#67

33 0 0
                                        

(Jonnie)

Hindi ko akalain na aabot ako sa punto na 'to ng buhay ko, pakiramdam ko nawasak ako. Tumawag sa'kin kanina si Sica noon'g coffee break ko, nag-usap lang kami tungkol sa kakatapos na vlog na ni-edit niya. Tapos 'yun nga, na-mention niya sa tawag na hiwalay na sila ni Kean. Isa'ng linggo na raw ang lumipas.

     "Nakwento ba ni Sica ang dahilan?" natapos na'ko sa pag-iyak, kumalma naman na ako sa tabi ni Cace. Nakaakbay siya sa'kin, inaalo ako kasi affected na affected talaga ako.

     "Sabi niya mutual decision naman daw ang break up. Hindi na siya nag-explain pa kasi kailangan ko na bumalik sa trabaho. Pero para ako'ng binuhusan nang malamig na tubig, lutang na lutang ako mula nun. Gusto ko'ng umiyak kaya pinuntahan kita."

     "Nag-tanghalian ka na ba?"

     "Hindi ako nagugutom."

     "Konti lang din ang ininom mo'ng tubig."

     "Hindi ako nauuhaw."

     "Okay, tell me, what do you want to do?" ang soft ng boses niya.

     "Hindi ko alam." at naiyak na naman ako, sinandal ko noo ko sa leeg niya. Hinigpitan naman niya ang paghawak sa'kin, hinayaan ako'ng umiyak.

   Pakiramdam ko naghiwalay mga magulang ko, ganyan na level. O hindi kaya 'yun'g paborito mo'ng loveteam na ang tagal mo'ng sinubaybayan ay bigla nalang naghiwalay kahit na nasaksihan mo kung gaano kaganda ng love story nila.

   Pakiramdam ko ako 'yun'g naka-experience ng breakup.

Bumalik ako sa trabaho kahit na kalahati ng utak ko nakalutang. Sumama nga pakiramdam ko, para ako'ng nasusuka dala ng headache. Tinapos ko lang ang nakatoka sa'kin'g trabaho sa araw na 'yun at nag-undertime ako. Diretso naman ako sa bahay nina Sica dala ang paborito niya'ng sans rival ng Danita's.

     "Kumusta ka?"

     "Babe, I'm fine. Pero ikaw? Bakit namamaga mga mata mo? Umiyak ka?"

     "Kulang lang ako sa tulog."

     "You're the worst liar."

     "Eii, payakap nga." kinabig ko nga siya. Sunod-sunod na nga ang pagbagsak ng mga luha ko. Nasasaktan na naman ako.

     "Kean and I ended it without dramas. We're actually civil." nagsimula na siya'ng mag-open up noon'g makapag-settle down na kami sa sofa niya'ng parang longganisa.

     "Ano ba kasi ang nangyari? Akala ko ba okay kayo?"

     "Okay pa rin naman kami."

     "Paano ka magiging okay? Mag-iisa'ng dekada na kayo, hindi naman ganun kadali'ng itapon 'yun."

     "I'm not throwing our memories away, I'm keeping them."

     "Eh bakit nga kasi kailangan niyo pa'ng maghiwalay? Okay naman pala kayo, bakit kailangan pa'ng mauwi sa hiwalayan?"

   Ngumiti si Sica.

     "Exactly the reason why we had a hard time letting go of each other. We still care for each other, we are okay, matagal na rin kami. It would be a waste kung sa hiwalayan lang din pala ang ending namin diba?"

   Tumango-tango ako.

     "We neglected the issue and just tolerated the widening gap between us, nang harapin na namin 'to, we realized that we no longer feel the same way we used to feel for each other."

A Little Bit Of Something (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon