(Jonnie)
Nakakahiya man'g aminin pero nagkanda-buhol-buhol ang akin'g buhok dahil sa Disk-O-Magic. Tapos kanina tumulo pa laway ko habang nagsisisigaw ako, sana naman hindi nahuli 'yun ng camera. At kung nahuli nga, ABA EH ANO NAMAN NGAYON? Chaaaar. Tao lang ako, hindi ako perfect. To make tulo the laway is human, and I'm only human, I bleed when I fall down.
Anudaw?
Naglakad na kami palabas ni Kahon, parang nakalutang naman ang utak ko. Pati mga paa ko parang may sarili'ng buhay at muntikan nga ako'ng matumba sa paglalakad, napahawak ako agad kay Cace, in fairness naman at nagsabay kami sa paghawak sa isa't isa. Pansin niya siguro na hindi direcho ang lakad nang lola niyo.
"Kunin muna natin ang bag ko, tapos kain tayo."
"Sige."
"Hindi ka ba nahihilo? Sabihin mo lang kung oo."
"I'm fine. Ikaw, baka mas kailangan mo 'yun'g white flower."
"Medyo. Tumatanda na ata talaga ako."
Natawa siya.
"Hoy, papunta ka rin sa edad ko. Tawa ka lang diyan. Enjoyin mo ang pagiging 25 years old. Isa'ng taon ka lang ganyan."
"Opo, Ate."
Inirapan ko siya, tapos napansin ko na nakarecord nga pala ang camera.
"Nag-e-LQ po kami, yeoreobun."
"What? Are we?"
"We are!" paghahamon ko rin talaga ng away. Jusko, self. Amazona ka gurl? Englisan pa, kaya mo teh? Final answer?
Tinawanan lang ako ni Cace.
Matapos ko'ng kunin ang bag ko ay naglibot-libot ulit kami'ng dalawa. Bumili kami ng waffle at shakes at chumibog habang naglilibot. Nang mabusog na kami ay sa isa'ng souvenir shop naman kami naglagi. Tingin-tingin lang kasi ang mahal naman talaga ng mga bilihin hoy. Ingat na ingat ako na huwag marumihan ang mga hahawakan ko kasi jusko naman baka pagmultahin pa 'ko. Wala pa naman ako'ng pera. I am but a poor girl.
"Sure ka'ng wala ka'ng bibilhin?" reaksyon ni Cace nang sabihin ko na umalis na kami.
"Hindi na. Sayang lang pera. Hindi ko rin naman magagamit. Tsaka ang mamahal nang bilihin nila noh." nambash pa ang dukha.
"Ako na bibili para sa'yo."
"Hindi na. Baka sa iba'ng shop may mas mura tsaka maganda quality."
"Sigurado ka?"
"Oo, sigurado. Kaya tara, lumipat na tayo." nauna nga 'ko sa paglabas.
"Dapat maging wais tayo sa pinagbibibili natin. Alam ko sabi nina Sica na sila na ang magbabayad pero kailangan hindi natin abusuhin 'yun'g kabutihan sa puso nang mga nilalang."
Hindi kumibo si Kahon.
"Alam ko mukha ako'ng pera at makapal mukha ko. Pero may mga bagay rin talaga na nahihiya ako."
"Naiintindihan ko." medyo naano ako sa mukha nang bata'ng 'to. Extra gwapo siya sa araw na 'yun. Ewan ko kung dahil lang ba sa sunlight.
"Luuuh siya, may pangiti-ngiti pa. Diyan mo siguro nadadaan ang mga naging jowa mo noh? Gwapo ka talaga'ng bata, marami'ng ma-a-attract. As expected for the visual of the group."
Ngumisi siya.
"Bakit? Nafo-fall ka rin ba?"
"Aba, nanlalandi ka ba?"
BINABASA MO ANG
A Little Bit Of Something (On-Going)
ChickLitJonnie, the strong-independent-no-jowa since-birth woman decided to help her best friend Sica with her new vlog content. It was for fun and for money at first, until someone pulled the red string of fate, confusing her feelings for a friend she's be...
