(Jonnie)
Nagising din ako nang tumunog ang alarm ni Cace. 5:30am, masyado pa ako'ng pagod para bumangon.
"Babu, gising na." inaantok ako'ng nagsalita, yakap-yakap namin ang isa't isa sa umaga'ng 'yun.
Naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa noo ko.
Sinasabi ng utak ko na bumangon na'ko para maghanda ng almusal, pero ayaw ako'ng bitiwan ng kama at ng mga bisig ni Cace.
"Babu." ulit ko.
"Good morning, baby." ang hot talaga ng bedroom voice niya. Gusto ko ulit magpalapa.
"Bangon na tayo, may trabaho ka pa."
"Just stay here in bed, I know you're still sore and tired from earlier."
"Tinatamad nga 'ko." Habang nakapikit pa rin.
May dumapo naman'g malambot na bagay sa labi ko, kinilig ako sa mabilis na halik na 'yun mula sa jowa ko.
"Matulog ka muna, maliligo na rin ako."
"Mm. Babangon ako maya-maya para magluto ng almusal."
"Huwag mo na alalahanin 'yun, ako na bahala sa almusal. Pahinga ka lang muna dito."
Binuksan ko mga mata ko, ay wow kung makatitig naman 'to sa'kin, parang sinasabi niya na kung hindi lang talaga siya working adult ay buo'ng araw lang kamin'g magtatago sa ilalim ng kumot.
"Sure ka?" di ko sure kung may muta ako, masyado'ng okupado ang mga kamay ko. Nakapulupot lang naman kasi ako sa jowa ko.
"Yeah."
"Thanks, babu. Aywavyu." pagpapabebe ko.
Ngumisi siya at napahalik ulit sa labi ko bago tuluyan na bumangon upang maligo.
Naiwan ako'ng namumula at puno'ng puno ng pagmamahal sa ibabaw ng kama. Kinilig ako sa sitwasyon ko kaya ayan dinampot ko ang unan ni Cace at napadantay dito habang niyayakap ito nang mahigpit.
"Ambango-bango."
—
Nakaidlip pala ako ulit, talaga'ng pagod na pagod katawan'g lupa ko. Tapos ang labot-lambot pa nang hinihigaan ko, siyempre sino ba naman gusto'ng bumangon niyan?
'Yun'g nagbalik lang sa'kin sa huwisyo ay ang amoy ng jowa ko'ng bago'ng ligo.
Minulat ko na ang mga mata ko, ang sexy nung likod maygaad napakagat ako ng labi. 'Yun'g bumungad kasi sa akin'g grasya ay ang nakatalikod ko'ng jowa, half naked, suot na niya ang itim na slack pants.
Nagsusuot na siya ng relos nang mapalingon ito sa'kin. Ayun nahuli tuloy ako na naglalaway sa kanya.
Luuhh, napa-smirk lang.
Nakakainis, aware siya na hulog na hulog na naman ako lalo.
"Babu." nag-open arms ako.
Wala'ng kung ano-ano'ng tanong ay sumampa nga siya sa kama para lang ipaloob ako sa yakap niya. Nagsumiksik ako sa leeg niya, sobra'ng bango, ang sarap papakin.
"Ano oras na?" tanong ko.
"Past 6."
"Mm. Dito muna tayo." siniksik ko lalo katawan ko sa kanya.
Wala naman ako'ng natanggap na reklamo mula sa jowa ko'ng gwapo.
Maya-maya naramdaman ko na naman ang paghalik niya sa noo ko. Sobra'ng gentle nun mga teh, bini-baby talaga ako nito. Kakainis, parang ayoko muna grumadweyt sa pagiging baby niya. Gusto ko ako muna, kaya mga anak sa akin'g obaryo, magpapaka-selfish muna ang inyo'ng ina.
BINABASA MO ANG
A Little Bit Of Something (On-Going)
Chick-LitJonnie, the strong-independent-no-jowa since-birth woman decided to help her best friend Sica with her new vlog content. It was for fun and for money at first, until someone pulled the red string of fate, confusing her feelings for a friend she's be...