(Jonnie)
"Sina Cace ang kasama mo?" tinanong ako ni Ligaya, Linggo nang umaga habang nag-aalmusal ako. Gulay, apple at tsaa lang ang ni-request ko'ng pagkain, panigurado kasi na unhealthy foodams ang ipapasok ko sa sistema ko maya-maya kaya kailangan ko'ng mag-ipon nang good food.
Tumango-tango ako habang kinakain ang hilaw na gulay.
"My daughter, mukha'ng career na career mo na talaga ang vlog na 'yan. Balak mo na ba'ng pasukin ang mundo nila?" usisa naman ni Papa na tinitimplahan ang kilawin niya'ng isda.
"Papa, guest lang po ako. At wala po ako'ng balak, masyado'ng nakaw oras. It's a no."
"Ano na naman ba ang gagawin niyo ni Cace? Bakit kailangan niyo pa'ng mag-Enchanted Kingdom? Magdarasal ka parati, Jonnie ha? Lalo na kapag sasakay ka nang delikado'ng rides. Huwag ka'ng makakalimot na magdasal."
"Paano ako sasagot niyan, Ligaya ha? Eh sunod-sunod mga tanong mo." pero siyempre hindi ko sinabi 'to kay Mama, takot ko lang sa hawak niya'ng tinidor.
"Ma, promise po hindi ako makakalimot kay Lord pati na kay Mama Mary."
Hindi na sumagot si Ligaya.
"Enjoy ka lang dun, my daughter. Ang sarap kaya sa pakiramdam noon'g lumulutang ka sa hangin at nasa tuktok ka."
"Tama, Papa." talaga'ng sang-ayon na sang-ayon ako. 'Di naman talaga ako takot sa heights, nakuha ko ata kay Papa ang pagiging ganun. Kaya kapag nasa theme park kami dati, si Mama naiiwan sa labas, feeling ko nagdarasal 'yun habang kami'ng mag-aama niya ay enjoy na enjoy. The scarier the ride, the better ang mantra namin ni Papa at Pedro.
Ligaya can't relate.
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Ano na naman ang gagawin niyo'ng video?"
"Ma, kapag pinaalam ko sa'yo, hindi na surprise 'yun." supportive naman din kasi si Ligaya sa vlogs nina Kean at Sica. Minsan binibiro ko siya na kaya nanunuod lang siya ng vlogs ay para e-check kung ano'ng pinaggagagawa ko habang nasa galaan kami'ng magbabarkada.
"Baka kung ano-ano na naman ang lumabas sa bibig mo o kaya gawin mo ron."
"Ma, magvivideo po kami with care. Hindi po namin ipapahamak ang mga sarili namin. Promise."
"Ihahatid ka ba ni Cace mamaya pauwi?"
"Siguro po, o baka sina Kean na ang maghahatid. Basta magdadala naman daw sila nang sasakyan kaya makikisabay na lang po ako. Magti-text po ako kapag nasa daan na kam—"
"I'm home!" pamilyar ang boses na 'yun. Hindi nalang ako lumingon kasi alam ko na naman sino ang nagsalita.
"My son! Tama'ng tama handa na ang kilawin."
"May beer po ba tayo, Papa?"
"Bili tayo sa labas." ang saya-saya nga nang mukha ni Papa.
"Yun o!" napaturo pa ang mag-ama sa isa't isa.
"Yuck, umuwi ang salot." pagdaldal ko.
"Maaga ka ata'ng naligo ngayon, shoks? Sa'n lakad mo?"
"Wala ka na ron."
"Peter, nag-almusal ka na?"
"Nag-drive thru po ako ng kape at eggdesal, Ma. Pero ano po ba'ng ulam?"
"Sinigang na hipon."
BINABASA MO ANG
A Little Bit Of Something (On-Going)
ChickLitJonnie, the strong-independent-no-jowa since-birth woman decided to help her best friend Sica with her new vlog content. It was for fun and for money at first, until someone pulled the red string of fate, confusing her feelings for a friend she's be...