#13

42 1 0
                                    

(Jonnie)

Nakatayo ako sa harap ng full body mirror sa loob ng kwarto. Gulo-gulo pa ang buhok at may muta pa nga, but still, I am pretty.

   Niyakap ko ang sarili ko at bumulong ng "good morning, Jonnie"

   Oo, ganyan ako tuwing umaga. I always take time, always take time? Lol. Basta uma-umaga, at gabi-gabi bago ako matulog niyayakap ko sarili ko, sinasabihan ko siya ng "good morning" at "good night". Naniniwala kasi ako na nagsisimula ang kaligayahan sa pagmamahal sa sarili. 

   Tsaka sino ba kasi'ng nagsabi na kapag minahal mo ang sarili mo ay selfish ka na? Sino ba? Ha? Sino? Suntukin ko.

     "Have I already told you you're amazing and beautiful?" pakikipag-usap ko sa sarili ko.

   Tumayo lang ako ron, tinitigan ang akin'g repleksyon nang medyo iilan'g segundo.

   Tapos nautot ako.

     "That, my girl, is what makes you more beautiful." dagdag ko pa at lumabas na nga ng kwarto dala-dala ang akin'g tuwalya para maligo matapos ko'ng jumebs.

   Pagbaba ko pa lang ng hagdan ay rinig ko na ang playlist nang akin'g ina'ng reyna. Kanta ng Hillsongs lang naman ang pinapatugtog niya uma-umaga habang naghahanda ng almusal. Opo, lumaki ako sa household na may takot kay Lord. Bed time story namin ni Pedro ang iba't iba'ng kwento sa banal na kasulatan, courtesy of my Papa na palagi'ng napupuna ni Mama kasi ang epic din naman kasi ng version niya. So, let's just say na bata pa lang ay mas kilala ko pa ang asawa ni Lot na naging asin kesa kay Little Mermaid na naging bula.

   Medyo suwail lang talaga ako pero hindi pa naman ako takot humawak ng Bibliya.

     "Good morning sa akin'g napakaganda'ng ina'ng reyna!" ang lakas na naman ng boses ko.

   Inaayos na ni Ligaya ang akin'g baunan. May gulay, prutas at karne. Masyado'ng fan ng healthy living community si Mama, kaya ayan, dapat fresh, healthy at organic ang amin'g kinakain.

     "Maligo ka na ron."

     "Yes, mother." may malaki pa ako'ng ngisi at napahalik muna sa pisngi ni Mama bago ako tumakbo papasok ng banyo.

   Dinig na dinig sa banyo ang religious songs. Imagine, naririnig mo ang Anima Christi habang tumatae ka? Tapos nagli-Lead Me Lord habang naliligo?

   Pero nasanay na rin naman ako. Paglabas ko ng banyo, feeling ko ang linis-linis ko talaga.

   Rarampa ako na nakatapis sa sala, aakyat ng hagdan habang nasa background pa rin ang religious songs. Pagpasok ko ulit ng kwarto ko ay diretso sa cellphone para makinig naman ng kanta habang nagbibihis. Ang tagal ko pa naman matapos sa pagbibihis kasi ako ay nagco-concert pa.

   Meron ako'ng kalat playlist or hoe anthems, uma-umaga 'yun ang pinapatugtog ko. Kung sa sala may religious songs, aba, sa loob ng kwarto ko. Ay, iba. Iba ang tugtugan.

     "I wake up everyday, like hello, beautiful. Cause this world is so crazy and it can bring you down. You're too short, too fat, too skinny. Hey! Well excuse me if I think that I'm pretty..."

   Pasayaw-sayaw pa 'ko sa harap ng salamin. Tapos matatawa, ta's sasayaw ulit, paikot-ikot pa sa loob ng kwarto.

   Matapos ko'ng maisuot ang bra ko ay eksakto naman na next song na. Umawra ulit ako habang nag-i-intro na ang kanta ni Maeghan Trainor, ta's bigla'ng...

     "Aw!" pagtili ko, "Who's that sexy thing I see over there?"

   At napangisi ako.

A Little Bit Of Something (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon