#34

30 3 1
                                    

Chapter 7

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 7

(Jonnie)

Nanunuod ako ng Kdrama kasama si Papa sa sala namin nang magtext nga si Cace na nasa labas siya ng bahay. Siyempre nagtaka ako, may problema kaya siya?

     "Aaah! Papa, sinabi ko na e-pause mo po muna e!" pagsusungit ko.

     "Tagal mo e."

     "Bilis lang kaya."

     "Bakit daw naparito si Cace dis oras na ng gabi?"

     "Nagbigay lang ng tsokolate galing Japan."

     "Sosyal, galing Japan."

   Tumabi nga 'ko kay Papa, kinuha naman niya ang paperbag na may mga tsokolate.

     "Tsokolate ba 'to? Ba't mukha'ng kahon ng oil pastel."

   Nakisilip nga 'ko sa laman ng bag.

     "Nak, kuha ako'ng isa ha?"

     "Tapos hindi ka na naman po magto-toothbrush pagkatapos?"

     "Huwag mo nalang sabihin sa Mama mo na kumain ako ng tsokolate."

     "Mahuhuli't mahuhuli ka rin naman ni Mama kahit ano'ng tago mo."

   Nagbukas nga siya ng tsokolate.

     "Sabagay, may dugo'ng detective ata Mama mo e." inalok niya pa 'ko nang kinakain niya. Umiling ako at tumingin sa TV.

   Napikon ulit ako.

     "Paaa, hindi ko na tuloy nasabayan." napaungot ako.

     "Wala naman'g nakakakilig na nangyari."

     "Nanunuod ka lang po ba nang Kdrama dahil sa kilig?"

     "Oo, bakit ikaw hindi?"

     "Kasama na po 'yung kilig, pero Papa, dapat sa storya rin tayo nakatingin, sa mga life lessons. Ganyan. Matatalino tayo e."

     "Oo nga pala, matatalino tayo."

   Ang laki nang pagtango ko.

     "Nak," may kinakain pa rin siya.

     "Po?" napadampot naman ako ng carrot sticks.

     "Mahal kaya 'to'ng kinakain ko'ng tsokolate?"

   Napatingin ako sa kanya. Nangangalahati na si Papa sa isa'ng bar.

     "Malamang po."

     "Ibenta natin sa Ninong Eugene mo?"

     "Nakuuu, tapos tatawag na naman si Ninang Yoly dahil kung ano-ano'ng binibenta mo kay Ninong hindi naman nila nagagamit."

     "Nak iba 'to, pagkain 'to e."

A Little Bit Of Something (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon