(Jonnie)
Pumasok na ang buwan ng Pebrero, patapos na rin ako sa statement na ginawa ko para ipaalam sa publiko ang tungkol sa kaso ko. Palagi nga kami'ng nag-uusap ni Attorney Eiza para e-monitor ang mga dapat at hindi ko pwede'ng sabihin, baka kasi may masabi pa ako na ikakapahamak ko. Sa nangyari'ng kasohan, talaga'ng nasubok ang pasensiya ko, nagpigil ako na magmura kapag nasa korte ako. Sumasakit na nga batok ko sa pagpipigil, sarap-sarap manuntok talaga.
Gusto ko na rin matapos ang kabanata na'to, pero ang hirap din talaga patumbahin ng kalaban.
Sa una'ng linggo nga ng kakapasok na buwan ay ni-post ko ang akin'g statement sa Twitter. Nag-log out agad ako matapos ko'ng e-click ang send tweet button, pakiramdam ko mag-o-overheat na naman cellphone ko. Maaga rin ako'ng natulog sa gabi'ng 'yun kasi may maaga ako'ng raket kinabukasan.
Si Pedro ang naging manager ko sa araw na 'yun, alas siyete ng umaga ang call time kaya ayun alas kwatro pa lang aligaga na lola niyo. Kotse ni Pedro ang ginamit ko, yes po, ako po ang magmamaneho sa araw na 'yun. Kailangan masanay ako sa kotse ni Pedro kasi ganun na model ang bibilhin ko, inaantay ko nalang ang approval ng loan ko.
"Huwag mo'ng sasapakin 'yan'g manibela ko kapag na-excite o napikon ka." paalala ni Pedro na bantay sarado nga ang bawat galaw ko.
"Huwag mo nga ako'ng guluhin, baka ikaw sapakin ko."
"Paalala kotse ko 'to, pwede-pwede kita'ng paalisin."
Napatawa ako, 'yun'g kontrabida'ng tawa.
"Nasa highway tayo, hindi mo 'ko mapapababa." binelatan ko pa siya.
"Sa daan ka tumingin!"
"Eto naman kung makasigaw! Magrelax ka kaya diyan? I'm a good driver."
"Huminto ka sa gasoline station. Na—"
"Full tank ka pa—"
"Naiihi ako!"
"Oohh. Pantog mo pala ang full tank."
"Isa'ng malaki'ng pagkakamali na pumayag ako sa favor ni Mama na samahan ka sa raket mo. Paano ka ba nakakayanan ni Cace?"
"Ang usapin na iyan ay rated SPG."
Napasandal si Pedro sa upuan, knockout siya e.
In 100 meters, turn right.
"Paano mo malalaman na 100 meters na?" tanong ko kay Pedro na nagchi-chill lang sa tabi.
"Mararamdaman mo 'yan."
"Ano'ng klase'ng sagot 'yan?"
"Tingnan mo kasi ang GPS."
"Paano kung mali pala ha?"
"Ewan ko sa'yo, Shoks. Malaki ka na."
Napatawa ako.
"Huwag mo'ng sapakin manibela ko."
"Hindi naman ah!"
"Pero maiba tayo, akala ko ba pareho noon'g kay Via ang bibilhin mo?"
"Mahal 'yun, brad. 'Di ko afford."
"Afford mo 'yun, rami mo nang pera."
Napailing-iling ako, umasim pa ang mukha.
"Masyado'ng over the budget. Tsaka mahirap e-park ang malaki'ng kotse."
"Akala ko ba gusto mo maging badass tignan?"
BINABASA MO ANG
A Little Bit Of Something (On-Going)
ChickLitJonnie, the strong-independent-no-jowa since-birth woman decided to help her best friend Sica with her new vlog content. It was for fun and for money at first, until someone pulled the red string of fate, confusing her feelings for a friend she's be...