#64

45 2 0
                                    

(Jonnie)

Nanginginig naman ang kalamnan ko sa nakwento ni Misty tungkol sa jowa niya na ex na niya ngayon. Nahuli niya na lumabas ng motel kasama ang iba'ng babae, aba ang gagu pang-apat na beses na niya'ng tinarantado kaibigan ko.

     "Bakit ba kasi may mga lalaki'ng hindi makuntento sa isa?!" umiiyak si Misty sa loob ng karaoke room. Full force kami ni Chin na samahan siya sa breakup party para kay Lloyd.

     "Bakit ba kasi ang tanga ko rin para maniwala nang paulit-ulit." wasak na wasak kaibigan namin dahil sa lintik na lalaki'ng 'yun.

     "Wala ka'ng kasalanan." nakaakbay si Chin sa kanya.

     "Hindi. Kasalanan ko, Chin. Kasalanan ko kasi tinatanggap ko pa rin siya kahit na ilan'g beses na niya ako'ng sinaktan at niloko. Kasalanan ko kasi pinapatawad ko pa rin siya."

     "Huwag mo'ng akuin lahat ng kasalanan." mainit na talaga ulo ko.

   Tiningnan ako ni Chin, lumalaki na naman ang butas ng ilong ko dahil sa galit.

     "Hindi mali na umasa ka na sa pagkakataon na'to magbabago siya, hindi mali na kumapit sa pangako niya na sa pagkakataon na'to hindi na siya magloloko. Hindi mo kasalanan kung naniwala ka na matatauhan din siya. Higit sa lahat, hindi mo kasalanan na gagu at putangina siya."

   Anim na taon din sina Misty at Lloyd sa on and off relationship nila. Nang makilala namin si Misty, first break up nila 'yun ni Lloyd, nahuli niya na may ka-chat na iba. Pinatawad niya kasi hindi naman daw umabot sa sex. Naisip niya na baka may mali rin sa kanya kaya nangako sila na aayusin ang relasyon. Okay naman sila matapos nun, pero isa'ng taon ang nagdaan nalaman nalang niya na may iba pala'ng girlfriend ang boyfriend niya at four months na ang mga 'to. Naghiwalay rin sila nun, pero nagmakaawa si Lloyd matapos ang dalawa'ng buwan, umiiyak, humingi ng tawad. Lahat nalang daw nang mahal niya iniiwan siya, lahat napapagod na intindihin siya. Naawa si Misty, mahal pa rin naman daw niya at naiintindihan kung bakit nagkaganun si Lloyd, kaya tinanggap niya ulit. Naging okay ulit sila nun, akala namin maayos na kasi wala na kami'ng nababalitaan. Tapos noon'g kasal ni Chin napansin ko na may galos ang siko ni Misty, kasama niya si Lloyd nun pero wala sa mood. Nakwento nalang ni Misty na nag-away pala sila kasi ayaw siya'ng samahan nito sa kasal, nagkapisikalan at nasubsob nga siya sa daan. Mula sa pagiging babaero at manloloko, naging mapaghuhat na rin ng kamay 'to. Tinago ni Misty na inaabuso na pala siya, alam naman daw niya'ng mali pero ayaw niya'ng marinig 'yun sa iba'ng tao. Ayaw niya'ng masabihan na iwanan nalang ang tao'ng mahal niya. Depensa niya nun, baka nagger lang siya kaya napagbubuhatan siya ng kamay o hindi kaya namumura ng boyfriend niya. Nagsimula raw na maging ganun si Lloyd mula nung tanggihan niya ang alok nito na mag-live in sila. Mas naging mainitin ang ulo, mas naging agresibo.

   Pero nagkabalikan din sila matapos ang apat na buwan siguro 'yun, sabi ni Lloyd pinagamot niya ang anger issues niya. Tinanggap siya ni Misty ulit, tapos ngayon nagloko na naman.

     "Tama." huminga nang malalim si Misty, "Nandito tayo para mag-celebrate dahil hindi ko na talaga siya tatanggapin ulit. Hindi dapat ako umiiyak, kaya, mag-celebrate lang tayo ngayon."

     "Oo nga naman! Mag-destress ka rito, kailangan mo 'yan for your peace of mind." ni-hype ko siya.

     "Pili ka na ng kanta, kapag naunahan ka ni Jonnie for sure magco-concert na naman 'yan dito. Kaya sige na ikaw na mauna." nilapag nga ni Chin ang songbook sa kandungan ni Misty.

     "Itagay rin natin 'yan," naglagay nga ako ng beer sa baso'ng puno ng yelo.

   Una'ng verse pa lang ng The Story Of Us ni Taylor Swift ay napailing-iling na si Misty at umiyak sa balikat ko. Tinuloy naman ni Chin ang pagkanta, hinayaan namin na umiyak si Misty, 'yun'g iyak na may kasama'ng hagulgol.

A Little Bit Of Something (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon