(Jonnie)
Nabayaran na nga ako ni Sica sa parte ko matapos niya'ng matanggap ang Youtube salary niya. Hindi naman sa mukha ako'ng pera pero parang ganun na nga siguro. Nagtitinda rin ako ng prepaid load sa mga kasamahan ko sa trabaho, may dimsum stall na rin ako'ng napundar para sa Mama ko, we also accept orders online, nuks. Tuwing summer naman nagtitinda rin kami ng samalamig at halo-halo sa labas ng bahay para dagdag kita. Masyado lang talaga kasi ako'ng marami'ng bayarin, alam mo naman half tao half fangirl ang body composition ko kaya kailangan doble kayod. Lalo na at active pa sa kpop industry ang Latte at Go Go Boys na fave girl and boy group ko. Isama mo pa ang kdramas, cdramas, lakorn at jdramas merchandise.
Marami ako'ng bayarin at kailangan sustentuan, kaya in short, kailangan ko ng pera. Kaya nang sabihin ni Sica na may new vlog na naman siya'ng gagawin, siyempre go agad si bakla. Pandagdag savings ko na rin 'yun kasi magko-Korea ako ngayon'g darating na Spring. Siyempre, anim ba naman na baboy na alkansiya ang nakahilira sa cabinet ko. Siyempre strong independent woman ata tayo, kung may luho dapat galing sa sipag at tiyaga tapos kailangan wais din sa pagba-budget. Kaya kapag napapatingin ako sa salamin, nasasabi ko nalang talaga na ang swerte nang mapapangasawa ko, ahee.
"Babe, sorry, dumaan pa ako ng Watsons. Ubos na aloe vera gel ko." rason ko kung bakit late ako nang isa'ng oras.
"Ayos lang, inuna ko nalang din 'yun'g iba ko'ng mga kaibigan sa pagsho-shoot."
"Seryoso ka na talaga sa mga paganito mo ano?" nagblo-blot ako ng mukha gamit ang blotting paper.
Nginitian niya ako.
"Pero mukha'ng happy ka nga naman, tsaka nabibigyan mo rin ako ng raket. Kaya, support kita always."
"Pera-pera lang talaga sa'yo lahat."
"Ubos na ang skincare ko, kailangan ko talaga ng pera."
"Ang dami mo na kaya'ng pera."
"Budgeted lahat 'yun."
"Ba't 'di ka nalang kaya mag-vlog din?"
"Ay naku, Jessica Rose huwag mo ako'ng hahamunin. Baka kung ano lang gawin ko kung sakali magvlog ako. Tsaka wala ako'ng talent sa pag-e-edit uy, wala rin ako'ng time."
"Sabagay, abala ka nga pala sa pagfa-fangirl."
"Naman. Fangirling is my love life."
Natawa ito.
"Bilisan mo na ang pagre-retouch, kanina pa naghihintay si Cace."
"Oo na, eto na."
Hanep naman ang pwesto ni Cace sa second floor ng bahay nina Sica. Nakahilata lang naman 'to sa sofa at abala na naman sa cellphone. Sa second floor nga ang set up para sa vlog, ang taray talaga nang pa-lighting ni Kumare'ng Jessica tapos 'yun'g baby pink pa niya'ng backdrop. Lakas maka-professional photoshoot.
"Wassup, dude!" pagpapansin ko sa abala'ng Kahon. 'Yan ang tawag ko sa kanya kasi wala lang, gusto ko lang. Tsaka kahon means case, at dahil magkatunog sila kaya 'yan na ang nickname ko para sa bata.
Too much information, I know, but yeah, whatever.
"Ang tagaaalll mooo." pagrereklamo nito.
"Sorry ha? Ganda lang ang meron ako e. I can't be perfect every day."
Napaupo na ito nang maayos at nag-unat pa ng mga braso.
"Kanina pa 'ko inaantok."
"Wala rin siya'ng kausap." dagdag pa ni Sica.
"Kawawa naman." with a frowning face just to tease him.
BINABASA MO ANG
A Little Bit Of Something (On-Going)
ChickLitJonnie, the strong-independent-no-jowa since-birth woman decided to help her best friend Sica with her new vlog content. It was for fun and for money at first, until someone pulled the red string of fate, confusing her feelings for a friend she's be...