(Jonnie)
Umiyak ako bigla nang dumating ako ng bahay at may nakapark nang kotse sa garahe; may malaki'ng ribbon pa na kulay yellow. Inaantay ako nina Mama at Papa pati na kambal ko. Eksakto sa susunod na araw Valentine's Day na, pwede ko'ng ibida 'yun sa jowa ko.
"Congrats, Shoks!" may hawak nga'ng party popper si Pedro at ang gagu pinaputok niya 'yun malapit sa mukha ko.
"Yawa ka!" mura ko at naghabulan nga kami, inikutan namin ang bago'ng sasakyan.
"Magtigil nga kayo't baka magasgasan 'to'ng kotse!" sigaw ni Mama.
"Paisa lang." sinapak ko ang braso ng kambal ko.
"Bigat ng kamay nito'ng shokoy na'to."
Nag-make face ako.
Kanina lang umiiyak pa ako e, na-overwhelm ako, sobra'ng saya ko kasi hindi ko naman talaga binalak bumili ng sarili ko'ng kotse, mas lalo'ng wala ako'ng plano na kumuha ng driver's license. But then, life happened.
"Papa, pwede na po kita'ng ipagmaneho kapag may pupuntahan ka." pagngawa ko habang payakap sa Papa ko. "Hindi niyo na rin po ako kailangan na ihatid kapag may dadalhin ako'ng paninda ni Ligaya sa opisina." talaga'ng umiyak ako.
"Tawag diyan my daughter ay maturity. Mature ka na."
Natawa ako kaya muntik na lumubo uhog ko tuloy.
"Test drive na tayo!" hawak nga ni Pedro ang susi.
"Oo nga. Pakitaan mo kami ng driving skills mo, my daughter."
Nagpunas ako ng luha.
"Fine." inarte ko na nagpatawa kina Papa.
Nagpigil nga ako'ng maiyak habang nakahawak sa manibela. Kailangan maging mature nga ako sa pag-handle ng emosyon ko.
Nagpunta kami sa tubig refilling station ni Papa, tapos diretso sa malapit na convenience store para bumili ng beer. Tinuruan pa ako nina Papa paano mag-park nang maayos. Kinakabahan pa rin ako, pero nairaos ko rin kahit papaano kahit hindi pa ganun kaperfect.
Hindi pa alam ni Cace na dumating na ang kotse ko, as a pabiba girlfriend that I am, gusto ko siya surpresahin. Balak ko na sunduin siya sa opisina dala ang kotse ko.
Bisperas ng araw ng mga puso ko balak na gawin ang akin'g surprise. Nag-uusap na kami sa tawag, tinatanong niya kung asa'n ako. May nauna kasi kami'ng plano na doon matulog sa condo niya, ea-advance namin ang celebration ng Valentine's kasi may trabaho siya kinabukasan.
Pinindot ko ang busina ng kotse, hindi naman napansin 'yun ni Cace na patuloy pa rin na naglalakad palapit sa kotse niya.
"Asan ka ngayon? I'll pick you up."
Ngumisi ako at lumabas na ng sarili ko'ng sasakyan.
"Paano ba 'yan, nandito ako para sunduin ka?" nanlandi ako sa tawag.
Napalingon naman siya, hindi agad nakapagsalita. Tiningnan niya ang kotse na binabaan ko.
Pinutol ko na ang tawag at patalon na yumakap sa kanya.
"Is that your car?" tinuro niya ang kulay gold ko'ng sasakyan.
Tumango-tango ako na parang bata. Hindi rin mawala ang ngisi sa mukha ko.
"C-congrats! Congrats, baby!" niyakap niya ako pabalik nang mag-sink in na sa kanya ang nangyayari.
"Na-surprise ka?"
BINABASA MO ANG
A Little Bit Of Something (On-Going)
ChickLitJonnie, the strong-independent-no-jowa since-birth woman decided to help her best friend Sica with her new vlog content. It was for fun and for money at first, until someone pulled the red string of fate, confusing her feelings for a friend she's be...
