(Jonnie)
Nagsiksikan kami nina Papa at Peter sa pagtitig sa harap ng salamin namin sa sala. Nasa gitna si Papa, siya ang may hawak ng mikropono. At the count of three, sabay-sabay kami'ng sumayaw.
"Today I don't feel like doing anything..."
Sunday 'yun, family day at lazy day rin para samin'g mag-aama. Maaga kami'ng nagising kasi dumalo kami sa pinakauna'ng misa. Siyempre, napalo ako ni Ligaya para lang talaga bumangon ako. 'Yun'g sermon na naman niya na 'kapag sa galaan, maaga ka'ng gumigising pero kung misa na aba bigla'ng pagod ka?' memorize ko na mga litanya ni Ligaya, pero 'yun nga bumabangon pa rin ako alas kwatro nang madali'ng araw para makadalo sa alas singko na misa.
Because, Lord is my bestfriend.
Pagkauwi nga namin ay nakalabas na si hari'ng araw at gising na gising na naman ang diwa namin'g mag-aama. Nag-almusal kami, pinagbungkal ng lupa dun sa garden ni Mama, pinaglaba at pinagtupi pa ng mga damit.
Alas onse nang umaga ay ang dami na nga namin'g nagawa mag-aama na gawain'g bahay. Drained tuloy energy namin sa pananghalian, buti nalang masarap magluto si Mama kaya kahit papaano nabuhayan ulit kami. Sabi nga nila makulay ang buhay sa sinabawan'g gulay; fresh na fresh pa ang mga gulay mula sa garden ni Ina'ng Ligaya, organic, wala'ng halo'ng chemical.
After lunch na kami'ng naglagi sa sala, si Mama lang ang naiwan sa kusina. Si Papa ang humiga sa isa'ng sofa, ako naman sa isa tapos si Pedro sa carpet lang humilata. Wala pa'ng ilan'g minuto ay paligsahan na kami sa paghilik.
Pasado alas dos na nang magising kami, agad naman binuksan ni Papa ang karaoke niya. Ayun, kanta ulit kami'ng mag-aama. Feeling boy or girl group na naman kami o hindi kaya ay rock band, there's no in between.
"I'll be loungin' on the couch just chillin' in my snuggie. Flip to MTV so they can teach me how to Dougie. 'Cause in my castle I'm the freakin' man. Oh yes I said it I said it. I said it 'cause I can!" patuloy sa pagkanta si Papa, kabisado na niya lyrics kaya hindi na kami tumingin sa TV.
Ginaya lang naman namin ang music video ng Lazy Song. Sa salamin nga lang kami nakatingin, naka-plaid longsleeves kami'ng tatlo, pink kay Papa, orange kay Pedro at yellow naman sa'kin. Naka-sunglasses si Papa, kami naman ni Pedro nakasuot nang unggoy na maskara na may sunglasses. Marami'ng props si Papa e, matagal na kasi namin'g ginagawa ang mag-roleplay. Kaya ang saya ng childhood namin ni Pedro kasi ubod nang extra ang Tatay namin.
Habang kumakanta si Papa, second voice kami ng kambal ko at may dance steps pa. Kapag nagsama-sama na talaga kami'ng tatlo, iba ang nagagawa namin'g gulo.
Kami lang naman ang Holy Trinity.
"The father!" bigla'ng siningit ni Papa ang amin'g cheer.
"The son!" pinatong ni Pedro ang palad niya sa palad ni Papa.
"And the Holy Spirit!" siyempre ako ang panghuli. Bago pa namin matapos ang let's volt in cheer namin ay pinatay na ni Mama ang kanta.
Galit si Ligaya.
Kahit hindi ko masyado'ng maaninag dahil sa suot ko'ng maskara ay ramdam ko ang tensyon.
Galit si Ligaya.
I repeat, galit si Ligaya.
Napatago kami'ng magkambal sa likod ni Papa.
"Sino'ng nagbigay sa inyo nang karapatan na bastusin ang Diyos? Diba sinabi ko naman sa inyo na huwag na huwag niyo'ng isasali sa kalokohan niyo ang Diyos?!"
BINABASA MO ANG
A Little Bit Of Something (On-Going)
ChickLitJonnie, the strong-independent-no-jowa since-birth woman decided to help her best friend Sica with her new vlog content. It was for fun and for money at first, until someone pulled the red string of fate, confusing her feelings for a friend she's be...
