#76

26 2 0
                                    

A/N: I would like to apologize for not updating for a week. The 🔞 part of #75 took me a WEEK to write, lol. It was hard to write that scene so I kept delaying in writing it, kaya hindi ako nakausad at wala'ng nae-update tuloy, chaaarr.

(Cace)

Hinihintay ko si Jonnie sa parking lot ng LTO Licensing Center, araw na 'yun para makuha ang lisensya niya. She'll be taking the practical exam that day, and I took a leave from my work to accompany her. Pinaghandaan niya nang maigi ang practical exam, nagpa-practice nga kami sa subdivision namin tuwing weekend.

   I have seen her dedication. She really wanted this, after years of pushing away the idea of driving her own car, she's finally come to terms with herself.

     "Babu." she uttered as soon as I picked up her call. "Nasa parking lot ka pa rin?"

     "Oo. Gusto mo ba samahan kita sa loob?"

     "Hindi na."

     "You don't sound good."

     "Pakiramdam ko may nagtatakbuhan sa tiyan ko, matatae ata ako sa kaba."

   Binuksan ko agad ang pintuan ng kotse.

     "Baby, I'm going in." disesyon ko agad.

   Nakita ko nga siya'ng naghihintay lang na tawagin ang number niya sa waiting area. Her shoulders were dropped, she didn't seem confident.

   She looked up when I called her, and there I saw her eyes filled with worry.

     "Sana sinamahan na kita kanina pa." nakaakbay na'ko sa kanya, she leaned on me, namumutla na nga siya at nanlalamig na ang mga kamay.

     "Para ako'ng masusuka."

   I held her close. She's really really nervous.

     "You'll do great. I believe in you. Okay? Believe in yourself too."

   Tumango-tango siya.

     "Inhale, exhale." I instructed her.

   Minutes after, it was finally her turn.

   Napahalik ako sa sintido niya bago siya hayaan na pumasok sa field kung saan gaganapin ang practical exam.

     "Kumusta si Shoks?" tinawagan ko nga si Peter pag-alis na pag-alis ni Jonnie.

     "She's doing the exam now. Kinakabahan siya panigurado. Ang putla niya kanina noon'g magkasama kami."

     "Takot talaga 'yun sa daan. Minsan lang maalog ang kumpyansa niya sa sarili, at isa nga ron ang magmaneho ng kotse."

     "Pansin ko nga na grabe ang kaba niya."

     "Mas kinaya pa niya ang thesis defense kesa rito."

     "Sorry if Jonnie had to do this because of me."

     "Ay naku, hindi mo kasalanan. Pabiba lang din talaga 'yan'g nobya mo, gusto niya maging perfect para sa'yo kaya hinarap niya ang isa sa pinakakatakutan niya."

     "But she's already perfect to me."

     "Landi nun, bunsoy ah? Pero ayun na nga, disesyon niya 'yun, wala ka'ng dapat ihingi ng tawad."

   Hindi ako kumibo, pero gumaan kahit papaano ang loob ko sa sinabi ni Peter.

     "Update mo nalang ako kapag natapos na si Jonnie sa exam. Aayusin ko lang din 'yun'g mga kotse na ibebenta ko sa kanya. For sure bago matapos ang araw na'to may lisensya na siya. Si Jonnie pa ba? Kahit nanginginig 'yun, makukuha at makukuha nun ang gusto niya. Hustler 'yun e."

A Little Bit Of Something (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon