(Jonnie)
So nilabas ko na nga 'yun'g totoo'ng nasa saloobin ko.
Para sa'kin natulog lang ako, at lahat ng emosyon na naramdaman ko bago ako makatulog, ganun pa siya kapresko noon'g magising ako, tapos bigla-bigla'ng ilan'g buwan na pala ang lumipas. Natakot ako kasi paano kung mga taon pa ang binilang bago ako magising? Paano kung tuluyan na ako'ng maging estranghero sa buhay ng mga tao'ng mahal ko?
Kapag nagkukwento sina Chin at Misty, hindi ako makasabay, kinakailangan pa nila ipaliwanag sa'kin ang lahat at imbis na mag-enjoy sila sa biruan nila, hindi nalang tuloy nangyayari kasi nga kailangan pa nila ipaliwanag sa'kin ang mga bagay-bagay. At ayoko'ng maging pabigat pa sa mga tao sa paligid ko, kaya tinago ko 'yun'g takot.
Sa totoo lang, 'yun'g ilan'g taon na confidence na binuo ko, sa isa'ng iglap gumuho. Pakiramdam ko, bumalik ulit ako sa dati, sobra'ng insecure ko na. Maliit na bagay lang nag-o-overthink na'ko, kung ano-ano na naiisip ko.
—
Isa'ng buwan magmula nang makalabas ako ng ospital, apat na buwan naman mula ang aksidente. Kahit papa'no ay nababawi ko na ang buhay ko na nahinto.
Pero nabawi ko nga ba?
Ganun pa rin ba ang buhay na binalikan ko?
BINABASA MO ANG
A Little Bit Of Something (On-Going)
ChickLitJonnie, the strong-independent-no-jowa since-birth woman decided to help her best friend Sica with her new vlog content. It was for fun and for money at first, until someone pulled the red string of fate, confusing her feelings for a friend she's be...