#5

36 2 1
                                        

(Cace)

Past 8pm na'ko nakarating sa sauna na sinabi ni Jonnie. Nasa snackbar daw siya naghihintay, nagtanong pa 'ko sa guard kung saan banda 'to. At hindi ko akalain na kailangan ko pa pala'ng magsuot ng uniform fit for the place bago ako makapasok. Inabutan ako ng kulay pink na pares ng shorts at shirt. Nang makapagbihis na'ko ay pinuntahan ko na si Jonnie sa snackbar na tinuro ng staff sa'kin. In a footfalls without no sound at all, I saw her in that pink uniform with a cute towel over her head that looks like a horn. She was sipping a drink, and the funny thing was, as I silently taking my pace towards her, I witnessed her getting choke by it that made her cough after. Talaga'ng natawa ako nang makita ko 'yun, Jonnie sure has lots of embarassing moments.

   As soon as she saw me, I asked her with, "Okay ka lang?" nakangiti ako habang patuloy siya sa pag-ubo, magsasalita sana siya pero mas ayaw siya'ng patahimikin ng ubo niya.

   When she calmed down, napalo naman nito ang braso ko pagkaupo ko sa tabi niya.

     "Tagal mo ah."

     "Malala ang traffic at nahirapan pa 'ko'ng makahanap ng pagpaparkingan."

   Hindi na siya kumibo, napainom ulit ito.

     "Kanina ka pa rito?"

    Tumango-tango siya, still sipping that "I don't know what's that called" drink.

     "Alas kwatro pa lang ng hapon nandito na'ko."

     "Hindi ka ba nabo-bore na ikaw lang mag-isa?"

     "Minsan. Pero madalas hindi. Nagdadrama lang naman ako kapag may nakita ako'ng magjowa. Pero kapag wala naman ako'ng nakikita'ng ganun, masaya naman ako. Basta may pagkain, okay lang ako." pagdaldal nito.

     "Ano ba 'yan'g iniinom mo? At bakit tayo nandito? Tsaka 'yan'g nasa ulo mo?"

   She smiled widely and placed back the drink on the table.

     "Welcome to the korean world." may pagtaas pa siya ng mga braso. As if welcoming a guest.

   Napa-smirk ako.

     "Uso 'to sa Korea, maliban sa samgyup, parte na rin ng culture nila ang mag-sauna. Tsaka ito'ng suot natin? Pati 'to'ng tuwalya sa ulo ko? Ito ang perfect na OOTD for this place." she was super energetic while explaining.

    "Tutal nandito ka na rin naman," napahawak siya sa braso ko, "e-experience mo na. Sagarin mo na, dude."

   I deep sighed, do I have a choice? Mukha naman'g ayaw niya pa'ng umalis sa lugar na 'yun.

     "Ano ba'ng maganda'ng gawin dito?" I asked her, making her grin wider.

     "Ay naku, marami. Tara." na may pagpalo sa braso ko, ang bigat ng kamay niya talaga, "Tumayo ka, samahan mo 'ko." she was getting herself ready to stand.

   She took the lead and I deligently followed her around. The whole idea of Korean sauna was a new feat for me.

     "Pero bago 'yun, kailangan mo muna'ng magkaroon ng headpiece na 'to." she was explaining while taking some towels.

     "Halika." dagdag pa niya na may paghila ulit sa'kin, naupo kami sa sahig, nakasandal ang likod sa pader.

     "This is how you'll do it."

   Tinanguan niya 'ko. "Sundin mo lang ang gagawin ko ha?"

     "Opo, Ate."

   Napatawa na naman siya, 'yun'g distinct laugh niya. You'd know Jonnie's there if someone laughs like half screaming and half chuckling. Sa lahat nang kakilala ko siya lang ang may ganoon'g tawa.

A Little Bit Of Something (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon