(Jonnie)
Pinag-pa-pat ko nang pagka-gentle-gentle ang akin'g mukha. Siguro naman sarado na 'yun'g pores ko, takot talaga ako'ng magka-breakout, ayos lang magulo ang buhok basta wala'ng epal na pimples. Mahal-mahal pa naman ng skincare products. Ewan ko ba bakit ang arte-arte ko sa katawan, pagod naman ako'ng maglinis ng kwarto ko. Labo rin talaga.
"O, nakahinga na nang maayos ang pantog mo?" tanong ko agad kay Cace na kagagaling lang ng banyo habang ako naman ang nag-order ng pagkain namin. So, pagbalik niya, ready na ang itlog, teokbokki at gimbap sa mesa.
Tumango lang ito at tinitigan ang binili ko'ng pagkain.
"Hindi ka pa nakakasubok nito? Itlog lang 'yan, tapos parang sushi lang 'to'ng isa." inabutan ko na siya ng chopstick.
"Familiar nga sa'kin 'to." tinuro niya ang teokbokki.
"Ah, rice cake 'yan na may fishcake din. Masarap 'yan, Kahon."
Nagsimula na rin ako'ng kumain ng gimbap. Dalawa'ng piraso agad ang pinasok ko sa bibig ko. "Ugh," I moaned while closing my eyes.
"You really love this kind of food, huh?"
Tiningnan ko siya, umiling ako habang sinusubo naman niya ang isa'ng piraso ng teokbokki.
"Italian cuisine ang comfort food ko sa totoo lang. Pero minsan nagcri-crave din talaga ako nang ganito." dumaldal ako while ngumunguya at dumampot nang isa'ng itlog, mainit-init pa 'yun.
"So, 'yun'g nag-samgyup tayo last time, dahil lang 'yun sa cravings mo?"
"Oo." at ngumisi ako sa kanya, "Labo ba?" sa pagkain ulit ang atensyon ko.
"Hindi naman."
Natahimik kami pagkatapos, busy ako sa pagkain.
"Bakit ka nga pala nag-aya'ng mag-dinner?" natanong ko bigla, ina-adjust ko ang chopstick na hawak ko para madampot ang isa'ng piraso ng teokbokki.
"Actually tinawagan ako ni Peter." napatingin ako sa kanya, kagat-kagat ko na ang teokbokki.
"He asked if I could accompany you. Baka raw kasi maglasing ka o maligaw o uuwi'ng nag-aamok kasi naipit ka sa makapal na traffic." grabe rin talaga kung makapag-flex ang kapatid ko sa'kin, niyuyurakan lang naman ang pagkatao ko.
Pero tama naman siya.
"Inabala ka nang damuho?"
"Nagkataon lang na naghahanap ako ng kasama ngayon. Tinawagan ko sila ni Kean at Kuya, mag-aaya ako'ng uminom. Pero," napadighay ito bago muli'ng magsalita, "busy sila." tapos sumubo ulit ng gimbap.
"Hoy, ganyan din ang nangyari sa'kin. Niyaya ko rin si Sica pero busy rin kasi siya, pati na 'yun'g tropa ko'ng fangirls."
"Is this a disadvantage of being single?"
Oo nga pala, never pa'ng nabakante ito'ng si Cace nang matagal. Four months na ata siya'ng wala'ng jowa o kahit kalandian man lang. Eh dati lang may kausap na agad 'to'ng iba a month or two after his breakup. Hindi naman sa chickboy siya o ano, wala naman siya'ng pinagsasabay. At kung meron man, ako mismo ang susuntok sa kanya. Siguro ano, siguro madali lang siya'ng magsawa sa mga naging karelasyon niya? Very Aquarius talaga.
"Masasanay ka rin. Pero ito 'yun'g disadvantage na pwede rin'g maging advantage. It's just how you see things. Ganyan."
Nangiti ito. Pero proud ako na nakaka-apat na buwan na siya'ng wala'ng babae ha? Nag-mature na ata siya dahil sa last relationship niya.
BINABASA MO ANG
A Little Bit Of Something (On-Going)
ChickLitJonnie, the strong-independent-no-jowa since-birth woman decided to help her best friend Sica with her new vlog content. It was for fun and for money at first, until someone pulled the red string of fate, confusing her feelings for a friend she's be...
