(Jonnie)
Gago, nagkasabay kami ni crush sa elevator. Papasok siya, eh nataranta puso ko? Gusto ko'ng lumabas nang elevator bigla? Nginitian niya pa 'ko at tinanong kung saan ako pupunta. Walanghiya talaga bumalik nalang tuloy ako sa loob, para ako'ng tuko na nakadikit sa pader ng elevator tuloy. Kinakabahan ako. May dalaw pa naman ako sa araw na 'yun, naku sana hindi ako tinagusan.
Andyan na naman si a moment of silence.
Bakit parang ang bagal naman ata nang oras, bakit wala'ng iba'ng tao na sumasakay? Bakit?
Kumalma ka Jonnie. Huwag ka'ng magkakalat, ano ba? Be professional.
"Busy ka ba mamaya?"
Gago, nagha-halucinate na ata ako.
"Ms. Jonnie?"
"May sinasabi ka?" Wow, ang cold. Akala mo naman talaga hindi naiihi.
Ngumiti siya.
Peste'ng yawa nginitian ako ni crush!
"Tinatanong ko kung busy ka ba mamaya."
Hooolldddd uppp!
Hindi naman ako nagha-halucinate lang ano?
"Ay puta." mahina'ng pagmumura ko kasabay nang pagbukas nang pintuan nang elevator.
"Chat nalang po kita. Floor ko na e." at nginitian niya ulit ako bago bumaba.
Tangina totoo ba 'to?
Para naman ako'ng tuod lang sa gilid, ang laki-laki pa nang espasyo sa elevator pero andun lang talaga ako nakasiksik sa gilid. Nakaawang ang bibig ko, hindi ako makapaniwala.
Bumukas ulit ang elevator, floor ko na. Napalunok ako at lutang na naglakad palabas.
Pa-research na sana ako kay Kumare'ng Google kung nakakapag-halucinate ba ang Buscupan Venus. Uminom kasi ako kanina bago umalis nang bahay kasi nga ako ay inaartehan nang akin'g reproductive system. Pagkabukas ko ng mobile data ay hala nagchat nga si crush!
"Totoo nga."
Pero siyempre hindi ko 'yan ni-send. Hard to get ako e. Professional.
BINABASA MO ANG
A Little Bit Of Something (On-Going)
ChickLitJonnie, the strong-independent-no-jowa since-birth woman decided to help her best friend Sica with her new vlog content. It was for fun and for money at first, until someone pulled the red string of fate, confusing her feelings for a friend she's be...