Jonnie, the strong-independent-no-jowa since-birth woman decided to help her best friend Sica with her new vlog content. It was for fun and for money at first, until someone pulled the red string of fate, confusing her feelings for a friend she's be...
Mag-aalas onse na pero gising pa rin ako. Nagpa-practice ako kasi may pa-surprise ako bukas sa kasal ni Pedro. Dalawa'ng buwan din ako'ng naghanda para sa surprise ko'ng 'yun, at masasabi ko na talaga nga naman'g talented ang lola niyo. Kung nahasa lang talaga ang akin'g inborn capabilities ay aba, sinasabi ko sa inyo, pwede na ako'ng maging artista with lots of talents.
Bagsak na ang katawan ko matapos ang isa'ng oras. Naka-shuffle naman ang mga kanta sa Spotify, lurk-lurk lang din muna ako sa Twitter matapos magbihis nang tuyo'ng damit at pinapakalma ang akin'g heartrate.
I don't let nobody see me Wishing he was mine
Napaigting tenga ko at tumitig sa akin'g speaker. Nagkasalubong ang akin'g mga kilay. Taylor Swift ha? Attitude ha?
Lurk ulit ako sa Twitter.
I dont know why But when I look in your eyes I felt something that seems so right
Umikot talaga mata ko. Toni Gonzaga, tumahimik ka muna, huwag mo 'ko'ng paandaran nang I don't know what to do, how can something so wrong feels so right all along. Dadagdag ka pa sa iniisip ko e.
And it's wrong for me to feel this way
"Oo, wrong talaga. Wrong!" mahina'ng asik ko at ni-play ang susunod na kanta. Buti nalang at kanta nang SISTAR ang sumunod. Napasayaw-sayaw pa ako, feel na feel ko 'yun'g beat, alam ko ang sayaw nun e. Fan din kasi ako nang SISTAR.
"Aba puta." napamura ako. Dahil nakakaintindi naman na ako nang Korean kahit papaano ay na-gets ko ang gusto'ng iparating nang kanta.
I don't want to be the first to say it But the words linger around my mouth Loving you, you What should I do? What should I do?
"Gaga ka, ano'ng love? Love agad?"
I can't control my heart My heart is not working It's to the point where I can't focus Boy I'm falling in love with you What should I do, what should I do?
"Ba't mo 'ko tinatanong? 'Di ko rin alam mga mars. Sana alam ko diba?"
Nag-lurk nalang ulit ako sa Twitter, pinipikon ako nito'ng mga kanta'ng 'to ah. Tapos 'yun na, napuno na ako nang ang sumunod na kanta ay Perhaps Love, 'yun'g Korean version ng Pag-ibig na Kaya.
Napatingin ako sa labas nang bintana ko. Tumawa ako, tinawanan ko ang mga bitwin tapos akto'ng babatuhin ko ang langit nang mouse.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nagchat naman sa akin si Ina'ng Ligaya. Pinapatulog na ako ni mother. Nagreply din ako ng 'likewise' at nireplyan din ako nito ng mga kutsilyo emoji. Dali-dali ako'ng nag-off ng Wifi at lumipat na nga sa kama ko. Pagkahiga na pagkahiga ko ay nilamon na rin ako ng antok, maliban sa pagod na pagod ako, siguro nakatulong din ang amoy nang bago'ng laba ko'ng kobre kama kaya mabilis ako'ng dinapuan nang antok.