#63

42 1 0
                                    

(Jonnie)

Naglalakad na kami ni Mama pabalik ng hotel, nakaangkla ang braso ko sa braso niya, nasa kabila'ng kamay ko naman ang plastic na may laman'g beer at potato chips. Wala na masyado'ng tao sa daan, maluwag na rin ang trapiko kaya may mga sasakyan na nag-o-overspeeding. May nakita pa nga ako'ng sports car na ang bilis makapagpatakbo porket wala'ng iba'ng motorista. Malamig na rin ang hangin sa pagkakataon na naglalakad kami ni Mama.

   Sa isa'ng bench sa garden ng hotel nga kami pumwesto, malamig na malamig pa ang Heineken na binili namin. Binutasan ko na rin ang gitna ng Piatos matapos ko'ng ibigay kay Mama ang nakabukas nang alak.

     "Sorry po sa inasal ko kanina sa harap nina Lola."

     "Wala ka naman'g ginawa'ng mali. Tama naman ang sinabi mo."

   Natahimik ako at uminom ng alak. Ramdam ko ang lamig na dumaan sa lalamunan ko, sobra'ng refreshing lang.

     "Tama ka, hindi ganun ang pamilya." malungkot ang boses ni Mama. "Kaya ba kapag napag-uusapan ang tungkol sa Lola mo nag-iiba bigla ang timpla mo? Dahil ba 'yun sa narinig mo?"

   Isa'ng malungkot na ngiti ang sagot ko.

     "Patawad at ganun'g klase'ng pangmamata ang nasaksihan mo sa mura'ng edad mo na 'yun."

     "Hindi niyo naman po kasalanan na sila ang naging pamilya niyo."

     "At wala ka rin'g kasalanan kung pinagtanggol mo ang Papa mo kanina. Kung hindi mo 'yun ginawa, baka ako ang gumawa nun."

   Tinitigan ko lang si Mama, nangiti naman siya bago uminom ng hawak na beer. Ang dami nang nainom niya, balak siguro nito'ng mag-bottoms up. Ganun na siguro kalala ang stress ni Ligaya.

     "Mama, kaya po ba suportado niyo kami ni Cace kasi ayaw mo'ng magaya ako sa nangyari sa'yo?"

   Huminga siya nang malalim.

     "Siguro. Siguro dahil nakita ko naman kung gaano ka kasaya sa kanya, siguro may parte sa'kin na naiinggit? Hindi ko maintindihan pa'no nakayanan ng Mama ko na tumutol kung nakikita naman niya na masaya ang anak niya. Pero naisip ko, baka hindi nga niya nakita kung gaano ako kasaya, siguro ayaw niya'ng makita na masaya ako sa naging disesyon ko."

   Wala ako'ng naisagot.

     "Hindi maganda na mamuhay sa isa'ng bahay na wala'ng pagmamahal at malala ang emotional manipulation. Kaya gusto ko na makita kayo ni Peter na masaya sa buhay niyo, kasama ang tao'ng mahal kayo at nirerespeto."

   Nangiti ako, hindi kami madalas magheart-to-heart talk ni Mama kasi nga hindi naman siya vocal. Pero kapag pala naririnig ko 'to sa kanya, nakakakilig naman pala.

     "Ma, may nagawa po ako'ng hindi maganda."

     "Ano?"

     "Binuksan ko po cellphone niyo, tapos nakita ko na kayo ang admin ng JoCace official."

   Medyo tumigil ang mundo ni Ligaya sa sinabi ko.

   Ang cute ni Mama.

     "Paano mo nalaman password ko?"

     "Tinanong ko lang po si Papa, nagbakasakali ako kung kailan kayo una'ng nagkakilala."

     "Hindi naman 'yun ang araw na una kami'ng nagkakilala."

     "Po?"

     "Araw 'yun na nag-propose siya."

     "Ay ganun ho ba?"

A Little Bit Of Something (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon