Jonnie, the strong-independent-no-jowa since-birth woman decided to help her best friend Sica with her new vlog content. It was for fun and for money at first, until someone pulled the red string of fate, confusing her feelings for a friend she's be...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ala una na ata ako'ng natulog dala na rin nang pagfa-fangirl at pagcha-chat kay Chin at Misty sa group chat namin. Sige, pagtawanan niyo lang ako, sinusumpa ko huli'ng Valentine's na'to na single ako.
Itaga niyo 'yan sa bato!
Maaga ako'ng nag-ingay sa group chat namin na Finding Jowa For Jonnie. Oo, 'yan talaga ang pinangalan nang mga mapang-alaska ko'ng barkada. Dati nga mukha ko 'yun'g ginawa nilang display picture, mula sa Walang Jowa Si Jonnie to Finding Jowa For Jonnie.
Ang babastos lang din.
—
Tapos na ang lunchbreak ko, may chocolate pa 'ko'ng kinakain habang naglalakad pabalik sa table ko noon'g tumawag 'to'ng si Chin. Akala ko pa naman ano'ng pakay ni Madame tapos 'yun pala makiki-chismis lang.
"Ni-like mo talaga 'yun'g post ng Nanay ni Cace?"
"Ano'ng masama dun teh? Krimen na ba 'yun ngayon?"
"Pisti ka. Hindi ka man lang nasaktan na nag-double lunch date sila?"
"Ba't ako masasaktan? Kinilig pa nga ako for real. Siyempre kapag nagkabalikan sila, edi tatahimik na kayo kaka-JoCace na mga delulu kayo."
"Huwag ka sana'ng mapansin ng crush mo at magiging crush mo pa in the future." ang bilis nang pagkakasabi niya.
"Gago, sinumpa mo pa'ko."
"Ba't ba kasi ayaw mo kay Cace? Bagay naman kayo na burikat ka."
"Baby brother ko lang 'yun, gaga ka ba?"
"Ewan ko sa'yo. Manatili ka sana'ng tigang 'bambuhay!"
"Huy, bawiin mo-" pinatayan ba naman ako ng tawag?
So 'yun na 'yun? Tumawag lang siya para isumpa ako?
Uma-attitude na naman ang kumare niyo'ng Cyndi.
Valentine's nga pala ang araw na'yun, may mga natanggap din naman ako'ng hugis puso na chocolate lollipop; thoughtful din naman ang team ko. Nagbigay rin ako ng cookies na may happy heart's day na note, kasi thoughtful din naman ako. Ni-order ko pa 'yun online, gawa ng mga highschool students na medyo kulang ang budget sa school project kaya suma-sideline.
Sinundo naman ako ni Papa sa trabaho, alam niya kasi na napipikon lang ako kapag naiipit ako sa pila tapos mga kasabayan ko pa ay mag-jowa. 'Yun'g iba, mga estudyante pa. Ayoko'ng ma-in your face sa araw ng mga puso kaya thanks, Sixto for being there. Always, father, always.
"Ayaw ni Mama ng cake diba?" pansin ko kasi na may cake na sa backseat.
"Sinasabi niya lang 'yun." ngisi'ng sagot naman nito.