Jonnie, the strong-independent-no-jowa since-birth woman decided to help her best friend Sica with her new vlog content. It was for fun and for money at first, until someone pulled the red string of fate, confusing her feelings for a friend she's be...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Chapter 15
(Jonnie)
Nanaginip ako.
Isa'ng napakahaba'ng panaginip.
May isa'ng bata'ng babae na naglalaro sa bundok kasama ang iba pa'ng mga bata. Gula-gulanit ang mga damit, madudungis, may hawak na mga bunga ng prutas. Ang lalakas ng mga tawanan. Hindi ko maalala ang mukha nang iba'ng mga bata maliban sa dalawa. Isa'ng bata'ng babae at bata'ng lalaki na masaya'ng naglalaro kasama ang iba'ng mga bata na hindi ko maaninag ang mga mukha.
Tapos bigla'ng...nawala.
Sa sumunod na panaginip, malamig ang panahon, nanginginig sa lamig ang isa'ng bata'ng babae'ng nasa edad dos anyos. Yakap siya ng Mama niya, kasama ang isa pa'ng bata'ng babae na hindi ko matandaan kung sino. May lumusob na mga armado'ng tao. Mga galit, pinagbubugbog ang mga matatanda'ng lalaki. Hinihila ang mga babae. Magulo. Madugo. Marami'ng namatay. Tumakbo ang dos anyos na babae kasama ang Mama niya hanggang sa nakarinig ng putok ng baril at nahulog sa nagyeyelo'ng lawa. Doon, namatay sa lamig ang bata kasama ang kanyang ina habang sinusunog nang mga lumusob na tao ang kanila'ng lugar.
Pakiramdam ko hindi rin ako makahinga. Gusto ko'ng gumalaw pero wala ako'ng magawa, para ako'ng nalulunod, naninigas sa yelo ang katawan.
Nawalan ulit ako ng ulirat at sa pagising ko nasa isa'ng giyera ulit ako. Hawak ako ng isa'ng lalaki. Hindi ko kilala. Naglalakad sa isa'ng syudad na magulo at maririnig ang putukan sa di kalayuan. Nakita ko ang repleksyon ko sa salamin, isa'ng bata'ng lalaki. Yun ako. Patuloy kami sa paglalakad hanggang sa may makita ako'ng mga bangkay na nakaratay sa daan. Hindi ko maalala ang mga mukha nila maliban sa isa'ng bata'ng babae na nakabukas ang isa'ng mata, nakahandusay sa daan, duguan ang mukha.
Bigla'ng may malakas na pagsabog at nagising ako sa kalagitnaan nang marami'ng tao. Hindi ko alam ano'ng panahon 'yun ngunit gaya nang mga nakaraan ko'ng panaginip, iba ang damitan nila. May tumawag sa'kin, hindi 'yun ang pangalan ko pero lumingon ako. Hinawakan naman ako sa kamay ng medyo may edad nang babae. Naglakad kami papunta'ng simbahan, pinagmamadali ako.
Hanggang sa nakita ko si Cace.
Medyo bata'ng version niya nga lang. Pero nasisigurado ako na si Cace 'yun. Nagtama ang mga mata namin, at ayaw makinig ng katawan ko sa'kin. Gusto ko'ng huminto at lapitan siya pero hindi ako makagalaw at hinahayaan lang ang sarili ko na magpatinaod sa babae'ng nakahawak sa'kin.
Si Cace.
Gusto ko'ng makita si Cace.
Pakiramdam ko nadudurog ang puso ko, hindi ulit ako makagalaw. Pakiramdam ko mag-isa ako. Natatakot ako. Wala ako'ng iba'ng marinig. Parang ang dilim ng paligid.
Sumasakit ang dibdib ko.
Mama.
Papa.
Pedro.
Cace.
Nasaan kayo?
Natatakot ako.
Gusto ko kayo'ng makita.
Nagising ako at masakit na liwanag ang nakita ko, hindi ko ulit magalaw ang katawan ko. May kung ano'ng nakalagay pa sa bibig ko. Nanghihina ang katawan ko, parang nasa kweba pa rin ako.