(Ligaya)
Pasado alas siyete ng gabi, hinahanda ko na ang mesa para sa hapunan dahil sa mga oras na 'to nasa biyahe na pauwi si Jonnie. Si Sixto naman nasa tubigan niya, hinihintay ang anak namin. Bago lumalabas ng bahay si Jonnie tuwing umaga, nag-aalay ako ng dasal, nawa ay mailayo siya sa aksidente at kapahamakan. Hindi ko alam kung makailan'g ulit sa isa'ng araw ako nagdarasal para sa kapakanan ng mag-aama ko. Lalo na sa akin'g anak na babae na alam ko'ng palaban na minsan sumosobra na. Kaya ako nagdadarasal kasi alam ko ang ugali nang akin'g anak. Alam ko na kapag may nasaksihan siya'ng hindi maganda, hindi 'yun basta-basta'ng tatahimik o ipipikit ang mga mata.
Kaya araw-araw, nangangamba ako, umaasa na sana makauwi siya'ng ligtas at buo.
Pero sa gabi'ng 'yun, tumatakbo'ng umuwi si Sixto, hinihingal kakatakbo.
"B-bakit?" kinabahan agad ako.
Nasa'n si Jonnie?
"Mahal..." hinihingal pa rin 'to.
Napalunok naman ako sa balita'ng dala ng asawa ko.
Agad kami'ng nagtungo sa prisinto kung saan kaharap ng anak namin ang isa'ng police officer. May katabi siya'ng may edad na lalaki sa kaliwa, sa kanan naman niya ay isa'ng kolehiyala.
Sa isip ko habang nasa biyahe, "nasaktan ba ang anak ko?", "may pasa ba siya?", "may sugat?"
"Manong, lulusot ka pa e. Ano'ng nasagi mo lang? Ako pa talaga niloko mo? Huwag mo'ng idadahilan sa'kin na masikip lang ang upuan. Ilan'g beses na ako'ng naiipit sa pwesto ko, at kung sino-sino'ng lalaki lang din po ang katabi ko. Alam ko na ang kaibahan nang nasagi lang at kung sinadya'ng lamasin ang dibdib! Ginawa mo pa ako'ng just born yesterday?" nagsungit na naman siya. Alam ko ang ganoon'g mukha at boses ng anak ko. Kapag galit siya, tila ba may apoy na lumalabas sa bawat paghinga niya.
Kinalma ni Sixto ang anak namin.
"Hindi, Papa. Ito'ng lalaki'ng 'to kasi. Imbis na aminin ang kasalanan niya, magdadahilan pa. Kasalanan pa ng iba? Ng jeep kasi masyado'ng masikip? Lahat nalang gagawin niya'ng dahilan makalusot lang siya e."
"Miss, kalma lang po muna tayo."
"Officer, kapag ba ay 'yun'g nobya mo'ng pagod sa trabaho ay binastos nang isa'ng estranghero, kakalma ka pa rin ba?"
"Hayaan muna natin'g magpaliwanag ang tao."
"Officer, nagsalita na nga po ang biktima. Ako. Maski po ako biktima rin. May kasama kami'ng pasahero na nag-testify. Paliwanag? Ni hindi nga niya maipaliwanag nang maayos ang side niya kasi alam niya'ng huli siya."
Patuloy pa rin sa pagpapakalma si Sixto sa anak namin.
"Po? Areglo? Hindi. Wala'ng makikipag-areglo. Ano po? Pagagawan niyo nang written testimony? Tapos hihingi ng tawad? Tapos kwits na? Ganun? Kaya hindi natututo ang mga kagaya niya e. Aysuss, ang dali-dali lang naman magsabi nang 'hindi ko na uulitin' pero gagawin naman din ulit. Kaya hindi, hindi ako makikipag-areglo."
"Mas lalo'ng hindi ako makikipag-areglo, sinapak mo kaya ako." may bulak nga sa isa'ng butas ng ilong ang lalaki.
"Self-defense 'yun. Deserve mo rin naman kasi na manyak ka."
"Sinabi'ng nasagi nga lang e!"
"Nasagi? Kapag ba sinapak ulit kita at sinabi ko'ng nasagi ko lang din, ano'ng magiging reaksyon mo? Ha? Ano?"
Napabuntong-hinga nalang ako.
Dumating na rin ang mga magulang ng estudyante. Mas lalo'ng nagkagulo sa prisinto, wala'ng areglohan ang nangyari, magsasampa ng sexual harassment ang mga magulang at tatayo pa'ng witness ang anak ko.
BINABASA MO ANG
A Little Bit Of Something (On-Going)
ChickLitJonnie, the strong-independent-no-jowa since-birth woman decided to help her best friend Sica with her new vlog content. It was for fun and for money at first, until someone pulled the red string of fate, confusing her feelings for a friend she's be...