#71

43 3 1
                                        

(Jonnie)

Pa-Taguig kami matapos ang concert para ihatid sina Misty at Chin. Ingay-ingay namin sa loob ng sasakyan ni Cace, 'yun'g mukha ko nga ay nakatingin lang sa likod, nakikipagdaldalan sa mga kaibigan ko na may post concert syndrome. Pinanuod namin ang mga videos na kinuha ni Chin tapos nagreklamo siya kasi boses ko ang nag-uumapaw.

     "Hindi concert mo ang pinunta ko, gaga ka." pagsusungit niya. Balak daw niya kasi'ng ipakita sa mga magiging anak niya ang pinagpala'ng pagkakataon na'to, pero 'yun nga, rinig na rinig ang boses ko sa background.

     "Ngayon'g na-scratch out ko na sa listahan ko ang makapunta sa concert ng GoGoBoys. Oras na para gawin ang next goal."

     "Ano?"

     "Baby. Gagawa na kami ng bata ng hubshubs ko."

   Natawa kami ni Misty.

     "Ngayon'g gabi niyo gagawin?"

     "Hindi noh. Magiging abala ako sa pagdaldal tungkol sa concert experience ko."

     "Mukha'ng hindi rin ako makakatulog agad, eri-relieve ko ang concert experience sa pamamagitan nang panunuod ng fancams." si Misty.

     "True. Mag-a-upload din ako ng videos. E-retweet mo madame ha?"

     "Huwag kayo'ng mag-alala, magdamag ako'ng gising. Active si hahyukayube at dionisssseee."

     "Paano obaryo mo? Cace o, payag ka ba na iba ang pinagpupuyatan ng jowa mo?"

     "I don't mind."

   Binelatan ko si Chin, hinila naman niya ang laylayan ng buhok ko.

     "Harot-harot mo talaga."

   Una namin'g binaba si Chin sa gate ng subdivision nila, inaantay na nga siya ng asawa niya ron. Sa malapit na village naman nakatira si Misty.

     "Dito nalang ako bababa. Bibili ako ng icecream." May 24 hours na bakery dalawa'ng blocks mula sa bahay nila Misty, at doon siya madalas bumibili ng ice cream kalagitnaan ng gabi kapag nagcri-crave siya.

   Pinaandar na ulit ni Cace ang sasakyan, nagsi-cellphone naman ako, binabasa ang tweets mula sa co-fans ko. Gising na gising nga ang TL ko.

   Napatingin naman ako sa side mirror habang naglo-load ang tweets sa hashtags.

     "Babu, sandali."

     "Bakit?"

     "Pakihinto ang sasakyan."

     "What happened?"

     "Ex ni Misty."

   Nakita ko nga ang ex ni Misty na nasa labas ng gate nila. Tinanggal ko ang seatbelt at napahawak sa pihit ng pintuan.

     "What are you planning to do?"

     "Magdadrama na naman ang lalaki'ng 'yun, papaikutin ulit si Misty tapos sasaktan na naman? Haharapin ko—"

     "Babe, no. You're not in the position to settle their situation. Stay here." pinigil nga niya ang braso ko.

   Nakita ko na rin si Misty na palapit na sa gate nila.

     "Babu." nagmakaawa ako kay Cace.

   Umiling siya.

   Salubong na ang kilay ko, nag-aalala ako, nakahawak pa rin ako sa pinto, si Cace naman sa braso ko. Pinapanuod ko si Misty kasama ang ex niya na nag-uusap sa driveway.

A Little Bit Of Something (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon