Jonnie, the strong-independent-no-jowa since-birth woman decided to help her best friend Sica with her new vlog content. It was for fun and for money at first, until someone pulled the red string of fate, confusing her feelings for a friend she's be...
Para naman ako'ng uod na inasinan pagkapasok ko nang kwarto ko matapos namin'g magpaalam ni Cace sa isa't isa. Kahit hindi ako marunong mag-ballet ay umikot ako na parang ballerina sa apat na sulok nang akin'g silid. Hindi mawala-wala ang malaki'ng ngisi sa mukha ko.
Nahinto ako sa gilid ng higaan ko, bumuntong-hinga ako at nag-freefall. Kilig na kilig naman ako nang maalala ko ulit ang mga sinabi ni Cace sa'kin kanina, sumasakit na nga ang pisngi ko sa pagkalaki-laki nang ngisi ko. Umikot-ikot ako sa kama, yakap ang akin'g unan na saging.
Binuksan ko ulit ang cellphone ko dahil balak ko'ng ipamalita sa akin'g Martilyo Gang ang maganda'ng balita na ito. Tinitipa ko pa nga lang ang password ko ay nanghina na ang mga daliri ko kaya ayun nabitawan ko ang cellphone. Tumama nga ang ilong ko sa screen na talaga'ng nagpaikot saglit ng mundo ko sa sakit. Pumilipit ako, tinatakpan ang ilong ko. Namanhid 'to saglit kaya hindi rin muna ako gumalaw, hindi naman siguro nabali ang buto ko diba?
Nang humupa na ang sakit ay tinuloy ko na ang balak ko. Nakangisi ulit ako'ng bumalik sa amin'g group chat.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Humagikgik muna ako bago magtipa ng reply. May pagmamayabang pa sa mukha ko habang nag-iingay ang daliri ko.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Napabuhakhak na naman ako nang pagkalakas-lakas. Kumirot tuloy ulit ang ilong ko. Pero kahit ganun pa man nakipagdaldalan pa rin ako kina Chin at Misty, alam ko proud kami'ng tatlo sa akin. Akalain niyo 'yun simula nang magtagpo ang mga landas namin sa pagfafangirl ay pareho naman kami'ng langjowa? Ngayon na tumanda nalang din kami't lahat-lahat, kinasal na si Chin, naghiwalay at nagkabalikan nalang si Misty at jowa niya, pero nanatili pa rin ako'ng single.