(Jonnie)
Nag-roadtrip kami ni Sica papunta'ng Batangas. Nakakamiss din'g gumala nang ganito kalayo at nagkwentuhan lang kami sa buo'ng biyahe.
At ayon, single pa rin naman ito'ng si Jessica Rose, habang si Kean ay may bago ng girlfriend. Hindi ko alam kung naiilang ba sila sa isa't isa o talaga'ng tuluyan na sila'ng naka-move on. Isa'ng taon na rin mula nang hiwalayan nila, panahon na rin naman na bumalik sila sa pag-entertain nang panibago'ng tao. Nauna lang talaga si Kean na nakahanap nung kanya.
Career woman na career woman na si Sica, halata na masaya'ng masaya siya sa pinili niya'ng karera.
"Babe, do you still remember back when we were in college? We talked about how our life would be ten years later? And I said I probably am married and pregnant, tapos ikaw you'll tour your family around the world kasi di mo makita self mo na in a relationship?"
"Ah, 'yun'g panahon na bitter pa 'ko kasi na-ghost ako?" may pagtawa pa 'ko.
"Yeah! That exact moment." ang enthusiastic ni Ninang Jessica Rose.
"Bakit mo nabanggit?"
"Wala lang, I just realized something when I saw you and Cace together kanina sa unit niyo. Who would have thought na after ten years, ganito ang ibabago ng lahat. It's... it's fascinating lang."
"Tama. Patunay lang 'yun na hindi talaga natin alam ano'ng mangyayari sa future." naks, Dionisia, apakabago.
"Yeah. So...but how about now? Where do you see yourself ten years from now?"
Napaisip ako.
"Um...inaaway si Cace?"
Natawa naman si Sica.
"Pero ayoko magsalita ng tapos, baka ma-jinx e."
"You guys are perfect for each other. I mean...eto ah? Not to be insensitive of what happened to you, but Cace was way different when you were still in coma. Obvious talaga na he's just trying his best to last a day without breaking down. Lahat sa barkada nag-aalala na sa kanya. May times na...bigla nalang na hindi namin siya ma-contact, wala siya sa ospital o sa bahay nila. And the squad was super...super scared."
Wawa naman jowa ko.
"Alam ko na hindi madali ang sitwasyon niya nun. Naghihintay siya sa wala'ng kasiguraduhan."
Milagro talaga na nagising pa ako. Maski ata si Lord ayaw pa ako'ng kunin.
"Definitely. That's why we are so happy to see you guys right now. And I don't think he'd ever want to let you go pa."
"Hindi rin naman ako bibitiw. Kakapit ako na parang tuko."
"I don't doubt it din naman. You guys are so smitten with each other. Nakakasakit na kayo ng single ha? Siguro gumaganti ka sa'kin noh?"
"Issue ka, babe ha?" natatawa ko'ng tanong sa nakangisi'ng Sica.
Minsan naiisip ko nalang na ang swerte ko na si Sica ang naging kaibigan ko. First impression ko pa lang sa kanya talaga'ng wala'ng bad vibe. Hindi ako napikon sa pagiging englishera niya at kikay. Eh may prejudice pa naman ako dati sa mahilig sa pink. Basta nag-click lang kami kahit na sobra'ng iba nung mga hilig namin.
Siya 'yun'g kaibigan na kahit hindi mo araw-araw kausap o makita, pero kapag nagkita ulit kayo, wala'ng ilangan. Ganun lang, smooth sailing lang ang chikahan.
'Yun'g mga naging kaibigan ko noon'g highschool, nagkalayo-layo lang kami at nawalan na ng komunikasyon. Wala rin naman ako'ng masyado'ng kaibigan noon'g elementary ako kasi takot sa'kin ang mga babae ko'ng kaklase. Akala nila siga ako. Kaya hindi ko itatanggi na si Sica talaga ang akin'g first bestfriend maliban kay Pedro. Siya pa nagturo sa'kin mag-ayos ng kilay at maglagay ng make-up. Siya 'yun'g tinatawag na soul sister. Fit na fit siya sa category na 'yun.
BINABASA MO ANG
A Little Bit Of Something (On-Going)
ChickLitJonnie, the strong-independent-no-jowa since-birth woman decided to help her best friend Sica with her new vlog content. It was for fun and for money at first, until someone pulled the red string of fate, confusing her feelings for a friend she's be...
