#10

58 3 2
                                        

(Jonnie)

"Uh-huh, this my shit. All the girls stomp your feet like this." dahil lotlot ako kanina sa laro at wala na ako'ng chance to redeem myself ay kumanta nalang ako. Nag-iinuman na ang barkada, at hindi maaari'ng mawala ang karaoke kapag nasa walwalan kami.

     "Few times I've been around that track. So it's not just gonna happen like that. 'Cause I ain't no hollaback girl. I ain't no hollaback girl...."

   Isa'ng red cup sa kaliwa'ng kamay at ang wireless na microphone naman sa kanan. Hindi ko sinasabi'ng may pasayaw-sayaw na naman ako habang kumakanta, but let's just say, you could put it that way.

   Naks.

     "Hoh! Everyone dance!" nagtatalon-talon na'ko sa loob ng kwarto, niha-hype ang akin'g barkada.

     "Oohh, this my shit. This my shit. Hey! Oohh, this my shit..."

   Matapos ang akin'g tribute for Gwen Stefani ay sa iba ko na binigay ang mikropono. Lumapit ako sa mesa, kinamay ko lang naman ang chicken lollipop, nasa iisa'ng palad ko naman ang potato wedge, isa pa'ng chicken lollipop at slice ng cordon bleu.

   Kaya habang nakikisabay ang barkada sa kinakanta ni Alonzo na One Direction song ay abala naman ako sa pagchibog at pagpadyak ng mga paa ko, may patango-tango rin ako habang kumakain.

   May kumalabit naman sa'kin, sa paglingon ko ay ang camera ni Kean ang naka-eye to eye ko. Eksakto'ng kakasubo ko lang ng manok kaya ayan huli na naman sa camera ang ginagawa ko.

   Natawa ako at sinapak si Kean.

     "Kumakain 'yun'g tao e!" bulyaw ko habang natatawa. Hindi ko pa rin binitiwan ang mga pagkain na hawak ko.

     "Ikaw ang humawak nito."

     "Ano gusto mo'ng e-video ko? 'To'ng paglamon ko?"

     "Ikaw bahala."

     "Bayaran mo ko a."

     "Promise."

   Sabay ko'ng sinubo ang patatas at cordon bleu sabay hawak sa camera ni Kean.

     "Yeoreobun! Annyeong!" puno pa nang pagkain ang bibig ko. Nginuya-nguya ko muna 'yun habang nagpipigil ng tawa.

   Nang malunok ko na ang kinakain ay ang natitira'ng chicken lollipop naman ang hinarap ko.

     "So, ako ulit ang correspondent niyo for this vlog."

   Ngumisi ako habang nakalubo ang isa'ng pisngi dala nang nakaimbak na pagkain.

     "At dahil espesyal ako na reporter, iinterviewhin natin isa-isa ang barkada. Okay? Gusto niyo ba 'yun?" 

   Pinatango-tango ko ang hawak na camera.

     "Dapat lang." dagdag ko at eksakto naman'g napadaan si Pedro. Kagagaling lang nito sa banyo.

     "Psst, Pedro. Mag-hi ka sa vlog." ngumunguya naman ako'ng nagmando sa kanya.

     "Hi, vlog!" friendly raw siya e.

     "Vlog ni Kean."

     "Hi, vlog ni Kean!"

     "May tanong ako."

     "Geh. Fire."

     "Bakit ka pa rin humihinga hanggang ngayon?"

   Tinitigan ako ng kambal ko.

     "Diba dapat sa'yo ko itanong 'yan?"

     "Perfect people don't die."

A Little Bit Of Something (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon