Jonnie, the strong-independent-no-jowa since-birth woman decided to help her best friend Sica with her new vlog content. It was for fun and for money at first, until someone pulled the red string of fate, confusing her feelings for a friend she's be...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Chapter 14
(Cace)
Sakay ng taxi papunta sa bahay nina Jonnie, sinusubukan ko'ng makapasok ang tawag sa cellphone niya. Out of coverage area ito, sa isip ko nun baka ni-off niya ang cellphone niya dahil low battery na. She usually do that, kesa ma-drain ito ay e-o-off niya nalang. But what was unusual was that she didn't warn me, which she always does.
Ni-contact ko si Tita Ligaya, the line was busy at the moment. Patawag na ulit ako nang eksakto'ng mag-pop up sa screen ko ang number ni Tita.
"Yes po."
"Cace, nasa'n ka ngayon?"
"Papunta po sa inyo."
"Nagda-drive ka ba?"
"Hindi naman po."
Narinig ko ang malalim na buntong-hinga ni Tita.
"Tita, may problema po ba?"
"Tumawag...may tumawag kasi sa'kin, medical team ng Garcilla Hospital." kinabahan ako nang marinig 'to kay Tita, "Si Jonnie, nabangga raw ang kotse." kalmado at klaro'ng pagkakasabi ni Tita, dinadahan-dahan niya pa para maintindihan ko agad ang sinasabi niya. Pero halata kahit papaano sa boses niya na nanginginig ito.
Napasinghot si Tita at hindi muna nagsalita nang ilan'g segundo.
"Papunta na'ko sa ospital ngayon, hindi ko pa alam ang kondisyon niya. Tumawag lang ako sa'yo kasi alam ko na may karapatan ka'ng malaman."
Para ako'ng binuhusan nang nagyeyelo'ng tubig. Wala ako'ng maramdaman nang marinig ko ang nangyari. Nanghina tuhod ko, ayoko'ng maniwala, ayoko'ng isipin na totoo nga na nangyari 'yun.
Pagbaba ng tawag ay hindi ako nakapagsalita, natulala ako sa kinauupuan ko.
Ayaw tanggapin ng buo'ng pagkatao ko ang impormasyon na nalaman ko.
"Sir, sa Garcilla Hospital nalang po ako bababa." ang nasabi ko as soon as I gathered myself back.
Kahit na naglalakad na'ko sa lobby ng ospital ay hindi pa rin ako naniniwala na totoo ang lahat. Gusto ko nang magising sa panaginip na 'yun, gusto ko'ng makawala sa bangungot.
Nakita ko nga sa labas ng operating room si Peter at Tita Ligaya. Namamaga na ang mga mata ni Peter, si Tita naman nakaupo lang, kalmado.
"Hindi pa klaro ang lahat bakit siya nabangga, hinihintay pa namin ang resulta ng imbistigasyon ng mga pulis. Sa ngayon, inooperahan siya, sabi ng nurse na lumabas kanina marami'ng dugo ang nawala. Nasa loob naman si Bea, mas maliliwanagan tayo pagkatapos ng operasyon." si Peter ang nagsalita, nanginginig at nagpipigil na umiyak.
Tatlo'ng oras ako'ng nakaupo sa tabi ni Tita Ligaya, kanina pa rin siya tahimik. On going ang operasyon, at habang lumilipas ang oras, mas lalo ako'ng kinain ng takot.