#52

47 2 0
                                    

(Jonnie)

Father's Day, at eksakto'ng first monthsary namin ni Cace bilang magjowa. Ganda pala ng timing ko na piliin ang 21 na date, 2 and 1, when two become one, parang it's written in the stars? Chaaar, maipilit lang. Pero ayun naman sa mga Tarot cards, 'pag pinagsama ang dos at uno, ibig sabihin unity, o hindi kaya important relationships mapa-personal or propesyonal na aspeto pa 'yan ng buhay mo. Kaya feeling ko talaga, tinulak ako ng tadhana sa gabi'ng 'yun na sunggaban na ang pagkakataon.

   Pero dahil nagsabay pa ang mahahalaga'ng okasyon sa araw na 'to, aligaga tuloy lola niyo. Sabi ko naman sa jowa ko na sa hapunan kanya ako. Hindi ko sinabi na ako ang magiging handa pero payag ako'ng maging appetizer at dessert.

   But then that's not the point.

   Ang gusto ko'ng sabihin talaga ay abala ako sa araw ng mga ama kasi may balak kami ni Pedro para sa amin'g ilaw ng tahanan na si Sixto. Oo, you read it right, si Papa talaga ilaw namin. Si Mama naman ang haligi. Baliktad sila kasi trip lang nila, chaaar, basta mas bagay kay Mama maging haligi kasi siya ang disciplinarian, siya ang batas sa bahay, siya ang tagapamahala ng kapayapaan at kaayusan sa munti'ng tahanan ng mga Dimagiba. Si Papa naman ang amin'g ilaw, ang amin'g tinatakbuhan kapag down na down kami, sa kanya kami humuhugot ng lakas, feeling namin kung wala si Papa, naligaw na kami at nasadlak sa dilim. Si Papa ang puso ng pamilya, because he's a water sign. Char lang, Ligaya, alam ko matatalakan na naman ako nito kapag ginamit ko'ng ebidensiya ang astrology. Pero may point din naman kasi!

   And speaking of water sign, nataon pa sa Father's Day ang simula ng Cancer season, Papa's birthsign. Iba nga naman talaga ang timing ng mga bagay-bagay ano po?

   Sana sa Cancer season, madiligan na ako.  Ay, chaaar.

   So 'yun nga may regalo kami ni Pedro para sa amin'g Papa Sixto. Two years ago, puhunan para sa dimsum business ni Ligaya ang na-achieve namin. Ngayon'g taon naman si Papa ang bibigyan namin. Lima'ng taon din namin pinaghandaan 'to, mahaba-haba'ng ipunan talaga ang kinailangan.

   Pero bago ang lahat, maaga muna ako'ng gumising at tumatakbo'ng pumunta sa garden ni Papa. Nagdidilig na siya ng mga halaman niya, malapit na rin daw mamulaklak ang tanim niya'ng sunflower.

     "Aabot ulit 'to sa birthday niyo ni Peter, nak." gift ni Papa sa'kin ang sunflower, hindi niya 'yun pinipitas, nilalagyan lang niya ng ribbon. Tapos chrysanthemum na orange naman kay Pedro.

     "Papa, basahin mo muna 'to bago ko e-post." pinakita ko sa kanya ang cellphone ko, binasa naman niya agad ang naka-draft post ko sa Instagram.

     "Happy Father's Day!" bati ko kay Papa na naluluha dala nang ipinakita ko'ng message. Kapag nag-e-English ako, naiiyak talaga siya. I'm smart e.

     "Thank you, my daughter."

   Hindi ako umiyak, for sure iiyak ako mamaya kaya hindi muna ako umiyak sa umaga'ng 'yun.

   Pagbalik ko sa loob ng bahay ay ni-post ko agad ang picture namin ni Papa. Nag-good morning din ako sa jowa ko na alas dos nang natulog dahil chinika ko sa kanya plano namin ni Pedro para kay Papa. Matapos ko'ng mag-update sa kanya ng happenings sa umaga'ng 'yun ay nag-jebs na'ko habang nakikinig ng kanta na sinasabayan ko rin naman.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
A Little Bit Of Something (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon