#68

42 1 1
                                        

(Jonnie)

Biyernes ng gabi, nag-Live ako sa Instagram. Ni-contact kasi ako ng MeloFy, isa'ng malaki'ng music app sa bansa bilang isa sa ambassadors nila. Medyo malaki bayad kaya hindi ko tinanggihan, ginagamit ko rin naman ang app na 'yun kaya gora ako.

   Nag-Instagram live ako para e-promote nga ang app. Una'ng beses ako'ng makikipag-usap sa mga "fans" ko, ang taray nang fans.

     "Yeorobun! Annyeong!" matagal-tagal ko rin'g hindi nagagamit ang intro na'to.

   Napabuhakhak agad ako wala pa'ng trenta segundo mula nang simulan ko ang Live. Naka-on nga sa background ang akin'g kalat playlist.

     "Kumusta po." nahihiya ako, tawa lang tuloy ako nang tawa.

   Parami nga nang parami ang number of viewers, wala pa'ng lima'ng minuto ay 2,000 na agad ang viewers ko, ang dami rin'g nagse-send ng hearts. Kinikilig ako sa support nila. Nag-hi ako sa mga nasa comment section, nagbigay ng shoutout sa mga nanghihingi.

     "Wala ako'ng pink background ngayon. Sorry."

   Nabasa ko nga ang tanong kung kailan ako bibisita ulit sa channel ni Sica.

     "Um, hindi pa ako sigurado. Pero kapag kailangan naman ni Jessica Rose ng tulong ko, pwede naman namin'g pag-usapan."

   May nagtanong naman kung asa'n si Cace kaya ako nangisi.

     "Nasa bahay nila jowa ko. Hindi ko siya kasama ngayon."

   Nilakasan ko ang volume ng kanta para marinig nila at nakuha ko nga ang reaksyon na gusto ko.

     "Give It To Me by SISTAR po ang tumutugtog ngayon. Actually," napakamot ako ng ilong, "pinapakinggan ko kalat playlist ko."

   Kinuha ko cellphone ko at pinakita sa camera ang screen.

     "I am using MeloFy, gusto ko kasi 'yun'g wala siya'ng masyado'ng interruptions. Kasi mahilig talaga ako sa music, nadi-drain energy ko kapag wala'ng musika. Kaya gusto ko nung naha-hype ako, buti nalang may MeloFy na wala masyado'ng ads na sisira sa moment mo habang nagco-concert ka sa kwarto, sa sasakyan o kahit sa banyo."

   Marami nga'ng nag-comment na ginagamit nila ang app na 'to.

     "Gusto niyo malaman ang nasa playlist ko?" natawa ako sa nabasa ko'ng comment.

   For the first time nga ay ni-share ko kung ano'ng nasa playlist ko. Sinabi ko pa na available in public ang playlist kaya kung gusto nila'ng pakinggan ang pinapakinggan ko, mag-download lang sila ng app. Binida ko rin ang features ng app, todo-promote ang lola niyo. Alam niyo na, kailangan natin'g galingan sa pagma-market para magkapera.

     "Favorite ko? Wala. Favorite ko kasi lahat. Pero may mga araw na ito'ng kanta'ng 'to ang gusto ko'ng inuulit-ulit. Pero overall paborito ko sila'ng lahat." pinakita ko ulit ang screen ng cellphone ko, kailangan klaro ang logo ng pino-promote ko'ng music app. "Lately ito'ng LIE ng EXID ang talaga'ng pinapakinggan ko." ni-play ko nga ang kanta.

     "L.I–L.I–L.I–L.I–EH.EH." sumabay agad ako sa intro.

     "Tawa ako nang tawa noon'g first time ko'ng mabasa lyrics nit—oh, favorite part ko 'to." tumayo nga ako noon'g chorus na ng kanta at sumayaw. Gusto ko ang choreo sa part na 'yun, ang cute kasi, tapos medyo sexy pa. Kaso nung mabasa ko translation sa part na 'yun, aba ang harsh?"

   Umupo na rin ako matapos ipakita ang akin'g dancing skills.

     "Oo, kanta siya para sa boyfriend mo'ng babaero. Harsh-harsh noon'g lyrics, parang gusto'ng balatan ng buhay 'yun'g boyfriend na manloloko."

A Little Bit Of Something (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon