#29

43 1 1
                                        

(Jonnie)

Agad ako'ng bumangon nang masiguro nang tenga ko na wala na si Pedro sa kwarto. Ang lalim nang buntong-hinga ko, at oo, naaamoy ko 'yun'g bibig ko. Napakabaho lang naman.

     "Inumin mo muna 'to'ng tsaa bago ka matulog."

     "Papa."

     "Yes, my daughter?"

     "Tatae muna ako. Kanina pa mabigat tiyan ko e, pinigil ko lang kasi galit ako sa isa mo'ng anak."

     "Paano 'yan, my daughter, nasa kusina ang isa ko'ng anak. Tatae ka pa rin?"

   Namroblema ako.

     "Tae'ng tae ka na ba talaga? Gusto mo sabihan ko si Peter na matulog na?"

     "Inumin ko nalang muna 'to. Saka na'ko bababa kapag wala na sila sa kusina."

     "Hanggang kailan mo balak iwasan ang kambal mo?"

     "Kambal? May kakambal ako?"

     "Oo, meron. Huwag ka nang magulat."

   Napanguso ako at hinipan ang tsaa.

     "Huwag mo nang pahabain ang cold war niyo. Sige ka, kapag nagkaanak si Peter, baka hindi ka makalapit."

     "Bakit naman? Ipagkakait niya rin ba sa'kin ang magiging pamangkin ko? Tatadyakan ko talaga 'yun'g alaga niya, sisiguraduhin ko na hindi na siya makakapagparami." mabilis ako'ng nagsalita.

   Napangiwi si Papa sa sinabi ko.

     "My daughter, gigil ka na naman. Kalma lang. Inom ka nang tsaa. Saan mo ba kasi nakuha ang pagiging brutal?"

   Hindi ako kumibo.

     "Nag-iinarte lang po ba ako, Papa?"

     "Hindi naman. Pareho lang tayo, nagtampo rin ako na hindi ako sinabihan ng kakambal mo. Pero wala na naman tayo'ng magagawa, disesyon nila 'yun, relasyon nila. Wala tayo'ng dapat kinalaman."

     "Naisip ko na rin naman po 'yan. Naiintindihan ko naman sila."

     "May kanya-kanya naman tayo'ng paraan kung paano mag-move on. Ayos lang 'yan, my daughter. Bawian mo nalang," ngumisi ako, "si Pedro kapag ikaw naman ang kinasal. Itago rin natin sa kanya."

     "Sisiguraduhin ko po na hindi siya makakapasok sa simbahan."

     "Tama. 'Yan ang gagawin natin."

   Natawa kami pareho.

   Alam ko naman na pinapagaan lang ni Papa ang loob ko.

   Napabuntong-hinga si Sixto, "Ubusin mo na 'yan, ikaw nalang din magbalik sa kusina. Inaantok na ako, my daughter."

     "Sige po."

Nakapagbanyo rin naman ako 'di kalaunan, ta's pagbalik ko nang kwarto ay nandudun naman si Pedro. Tinitingnan niya ang mga kpop merchandise ko.

     "'Pag may nabasag ka diyan, kikitilin ko buhay mo." banta ko.

     "May dugo ka ba'ng amazona?"

   Inirapan ko si Pedro, diretso ako sa kama ko.

     "Lumabas ka na, matutulog na'ko."

     "Mag-usap muna tayo."

     "Ayoko makipag-usap sa'yo." inarte ko sabay higa at tinalikuran siya.

     "Sorry, alam ko palagi ko sinasabi na ayoko'ng may lalaki'ng mananakit sayo. Pero nasaktan kita."

A Little Bit Of Something (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon