#11

46 2 1
                                    

(Jonnie)

Bagsak kami'ng lahat kinabukasan. Magkatabi kami ni Via sa kama, sa kabila'ng kama naman si Sica at Kean. Si Lance nasa sofa, tapos si Peter at Cace nasa sahig. Si Alonzo lang ang umuwi sa'min. Paggising ko nga ay ni-check ko agad ang cellphone ko; alas singko pa ng umaga, malamig na rin ang kwarto. Mukha'ng ako na naman ata ang nauna'ng bumagsak kagabi. Sa huli'ng pagkakaalala ko, nakayakap ako kay Jessica Rose, lasing na ako nun, as in tinamaan na talaga dahil hindi ko na halos mabukas ang mga mata ko sa antok. Tinatapik-tapik ako ni Sica hanggang sa makatulog ako. Siya naman talaga ang naghehele sa'kin kapag lasing ako.

   Napatalukbong ako ng kumot, ang bigat ng katawan ko. Tulog muna ako ulit.

   Nang magising ako ulit ay nakita ko si Via at Lance na nakatalikod sa'kin. Nandun sila sa mesa, mukha'ng gumagawa ng kape si Via, dikit na dikit ang mag-asawa sa isa't isa. Nahuli ko pa na nag-smack kiss sila.

   Sana lahat talaga may ka-morning kiss.

   Hinayaan ko nalang muna na mag-moment ang mag-asawa. Tutal single ako, edi bumawi nalang ako sa tulog.

   Sa paggising ko ulit, gising na sila'ng lahat. Nakaligo na nga si Jessica Rose, tapos maayos na rin ang kabila'ng kama. Nandun sila sa mesa, nagbi-breakfast.

     "Tagal natin'g gumising a?" pambibwesit na naman ni Pedro.

   Kumunot lang ang noo ko.

     "Mas nauna pa ako'ng nagising sa'yo. Nakatulog lang ako ulit."

     "Maghilamos ka na ron, ang pangit mo lalo."

     "Magkamukha tayo kaya pangit ka rin." pagsagot ko at inunat ang mga kamay ko. Kinuha ko ang backpack ko para kunin ang skincare pouch.

Nagstretching ako sa loob ng banyo, tumae na rin muna bago maghilamos at magsipilyo. Matapos ang akin'g morning ritual ay naging hyper na ulit ako.

     "Good morning, beautiful people! Today is also a beautiful day, isn't it?"

     "Ingay mo, keaga-aga. Kumain ka na rito, ginawan na kita ng tsaa." pagsagot ni Pedro na may kinakain na tinapay.

     "Ohhh, ang sweet naman ng Kuya ko."

     "Nakakarindi 'yan'g ganyan'g boses mo. Tigilan mo 'yan."

     "Ooo—"

     "Huwag mo'ng itutuloy 'yan." pinandilatan ako nito.

     "Pp—"

     "Susuntukin talaga kit—"

     "Ppaa~"

   Napasigaw si Pedro habang tinatakpan ang mga tenga. Napabungisngis naman ako at nilapitan siya.

     "Thank you, oppa."

   Inis na inis na naman si Pedro sa'kin. Actually ang buo'ng barkada naman talaga ay tutol sa pagpapa-cute ko. Hindi kasi talaga bagay sa'kin, sa tangkad ko'ng 'to, 'yun'g mukha ko pa na parang susugod sa giyera kapag hindi ako nakangiti. Tapos sa laki nang bunganga ko kapag tumatawa ako, at 'yun'g boses na parang parati'ng may pinaglalaban. Hindi talaga bagay na magpa-cute ako, pero ginagawa ko pa rin.

   Kasi, maganda ako.

   Chaaarr.

     "Kumain ka na lang sabi e." ni-shoot na naman nito ang isa'ng tinapay sa bibig ko. Kaya ayun, sinabunutan ko siya. Mahaba na naman ang buhok ng damuho, akala ko pa naman tapos na siya sa manbun era niya.

A Little Bit Of Something (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon