(Cace)
Nakapangalumbaba na si Jonnie, pula na ang mukha maging leeg, namamaga na rin ang mata sa kakaiyak. Ang dami niya'ng kinuwento tungkol sa childhood nila ni Peter; kung paano nila tratuhin ang isa't isa ngayon, ganun lang din pala kahit noon'g bata pa sila.
"Until grade 6, share kami ng kwarto. Grabe, mag-uusap kami niyan kahit nakapatay na ang mga ilaw tapos maya-maya nagtatalo na kami."
Sumabay ako sa pagtawa niya.
"Nagtatapunan na ng unan at stufftoy. Siyempre maririnig kami nina Papa kasi nga tumatalak na 'ko. Napakaaa, naku ang lala nang kamalditahan ko talaga kahit noon pa. Ilan'g beses ako'ng napaluhod ni Mama, napalo, napa-face the wall. Sutil e." natawa ulit siya, "Kapag naiisip ko 'yun, kasama ko pala si Pedro sa lahat nang pagkakataon na pinaparusahan ako. Pac..." nasamid ito nang luha niya, kinagat ang labi habang nakatingin sa shotglass, "package nga kami." mahina'ng dugtong nito bago inumin ang hawak na alak.
"Kahon, inom ka r—ay hindi nga pala pwede. Magda-drive ka pa. Tama. Hindi pwede. Hindi." she's already intoxicated.
Jonnie sat straight.
"Lasing na ba ako?" napa-pause siya saglit, "Hindi pa diba? Pero inaantok na'ko...shuta, lasing na'ko." a realization hit her right there.
Nagsalin ulit siya ng alak sa shotglass.
"Antok na 'ko...pero kailangan ko pa 'to'ng ubusin." Napatingin ito bigla sa kisame, "Alam ko ang kanta'ng 'to." bigla nga siya'ng napa-head bop habang nakaupo at umiinom ng alak.
"Oh, break it down, uh, 4-3-2-1."
She eventually rapped...in Korean.
I couldn't hold my chuckle.
She stopped midpoint, "Ang dami pa nito." may pamomroblema sa boses niya habang tinitingnan ang pitcher.
"Ihahatid na kita sa inyo."
"Hindi." na may pag-iling, "Ubusin ko lang 'to, sayang binayad ko rito."
"Tulungan na kita."
"Hoy!" Napalo niya 'ko sa kamay, "Bawal nga, magda-drive ka pa."
"Hindi ako magda-drive."
"Ano? Sino'ng magda-drive?" na may halo'ng tawa.
"Magpapasundo ako."
Nawala ang tawa niya.
"Kaya hayaan mo na ako'ng uminom, para maubos na rin 'to at makauwi na tayo."
"Uyyy, considerate mo ah? Lalo ka'ng gumwapo. Uuyyy."
Kinuha ko ang hawak niya'ng shotglass at nagsalin ng alak.
"Teka, sinabi ko'ng gwapo ka?"
Hindi ko siya kinibo.
"Oo, gwapo ka. Pero wala'ng malisya. Baka isipin mo crush kita o nilalandi kita ah? Hindi ganun." napailing-iling siya, "Hin-" she burped, "hindi ganung level."
Madaldal at prangka pa rin siya kahit lasing; inaantok nga lang, halata'ng mabigat na ang mga talukap.
"Ang init nang katawan ko, hindi na naman ako makahinga."
Naglagay ulit ako ng alak sa shotglass.
"Alam mo? Kapag nalalasing ako, sumisikip 'yun'g dibdib ko."
Napainom ako habang patuloy siya sa pagkwento.
"Nakakalaki ba nang suso 'yun'g alak?"
BINABASA MO ANG
A Little Bit Of Something (On-Going)
ChickLitJonnie, the strong-independent-no-jowa since-birth woman decided to help her best friend Sica with her new vlog content. It was for fun and for money at first, until someone pulled the red string of fate, confusing her feelings for a friend she's be...
