(Cace)
"Hindi pwede si Via. Si Bea naman on-duty, kaya kami nalang ni Peter." paliwanag ni Kuya habang nagmamaneho ako papunta sa bahay nina Sica.
"Sino'ng kasama ni Jonnie kung ganun?"
"Ikaw."
"Ako? Bakit ako? Bakit hindi si Peter?"
"Kasi nga ako ang kapartner ni Peter."
"Bakit hindi ikaw ang kapartner ko?"
"Kasi ikaw ang partner ni Jonnie." He's a troll.
"Kuya."
"Bakit ba kasi dami mo'ng tanong?"
"Is it because of those fans?"
"Aba malay ko."
"Kuya, sinabi na namin ni Jonnie na hindi na kami magpapaasa."
"Hindi naman kayo magpapaasa."
"Kuya, you know how loveteams or partnerships or whatever-they-call-that work right? Magtabi lang kami, panigurado kung ano-ano na naman ang iisipin nang mga tao."
"Okay, sabihin ko kay Sica na kami nalang ni Jonnie."
Napatingin ako kay Kuya.
"I'm married." pinakita niya ang singsing na suot, "Hindi na nila ako tutuksuhin siguro kay Jonnie diba? Bawal naman kasi magkapatid kaya kami nalang kung ayaw mo."
Bumuntong-hinga ako.
"Fine, kami nalang ni Jonnie."
"O, akala ko b—"
"Mag-uusap lang naman diba?"
"Oo...ata? Basta hindi naman kayo magpapanggap ulit na may relasyon."
Hindi na'ko kumibo.
Natawa bigla si Kuya kaya napatingin ulit ako sa kanya.
"May sinend si Via, kinilig lang ako." depensa agad niya, tinuro pa ang cellphone na hawak-hawak.
—
"Pangit mo sa camera na damuho ka." pang-aalaska ni Jonnie sa kakambal, nakatingin ito sa screen ng camera ni Sica. Nakaupo na ang mga kapatid namin sa sofa na may pink backdrop. May mesa rin sa harap kung sa'n nakaayos ang pitcher of cocktail with two glasses, at hindi rin pwede'ng mawala ang pulutan.
"Lakas kaya nang sex appeal ko." bumwelta si Peter.
"Wala ka nun."
"Mas lalo'ng wala ka nun! Langjowa."
"Hayop ka."
Nangiti lang ako.
Umupo naman na si Jonnie sa tabi ko, binuksan ang bag para kumuha ng tubig. Patuloy lang din ako sa pagbabasa ng news online.
"Kahon."
"Hmm?"
"Hindi naman sa feelingera ako, pero parang ni-scam tayo ng barkada natin."
"Scam?" na may kasama'ng tingin sa kanya.
"Oo. Pinagplanuhan nila 'to, gusto talaga nila na tayo 'yun'g e-partner. Bawal magkapatid? Sino ba'ng gumawa nang rule na 'yun? Sus." napainom siya ng tubig, "Ano sa tingin mo? Tama ako noh?""Hindi ko alam."
Jonnie snarled her lips, "Akala siguro nila hindi ko mapapansin ang pananabutahi nila. Huh! Laki'ng asiandramas yata 'to."
BINABASA MO ANG
A Little Bit Of Something (On-Going)
ChickLitJonnie, the strong-independent-no-jowa since-birth woman decided to help her best friend Sica with her new vlog content. It was for fun and for money at first, until someone pulled the red string of fate, confusing her feelings for a friend she's be...