(Jonnie)
Dumaan muna ako'ng banyo bago ako bumalik ng opisina ko. Hindi ko na kasi kaya'ng tiisin ang pantog ko. Palabas na sana ako ng cubicle nang marinig ko ang usapan ng mga empleyado.
"Okay ka lang? Ano'ng feeling na pinangalandakan ni Chief ang girlfriend niya?" hindi ko alam sino ang nag-uusap, ayoko rin naman'g mag-assume agad na ako 'yun. Pero malakas kutob ko na ako pinag-uusapan nila.
"Sa totoo lang nawala gana ko."
Napa-o talaga ang mukha ko.
"Pero masarap ang pagkain, in all fairness. Kaso naa-annoy ako sa kanya. Nagpunta ba talaga siya rito para markahan teritoryo niya? Insecure ba siya sa'tin? Masyado ata siya'ng hambog."
"Huwag mo naman'g sabihin 'yan. Mukha'ng maganda naman intensyon niya."
"If I know gusto niya lang makita sino ang mga nakakasama ng boyfriend niya sa trabaho. Diba nga spotted kayo dati ni Chief na kumakain ng lunch? Baka alam niya 'yun. Baka gusto ka talaga niya'ng makita, ang immature lang."
Kumunot-noo ko. Pinagsasasabi nito?
"After that lunch, Chief has been keeping me at arm's length."
Naparesearch tuloy ako sa meaning nang sinabi niya.
"Pero sabi naman ni Chief na wala siya'ng girlfriend nun diba?"
"Yeah. But that doesn't mean he's open to get to know me. May nilagay na siya'ng boundary bago pa man ako makagalaw."
"Crush mo pa rin ba siya?"
"Hindi naman basta-basta'ng mawawala 'yun."
"Masakit siguro para sa'yo na makita sila kanina. Napaka-bitchesa talaga nung Jonnie."
May pag-namedrop na talaga.
"Chief seems happy with her."
"Naku. Bago pa kasi sila. Huwag ka'ng mawalan nang pag-asa, hindi pa naman sila kasal. Kahit nga kasal naaagaw, 'yan pa kaya'ng boyfriend pa lang."
Natawa ako. May mga babae talaga'ng ganito rin mag-isip ano?
"Hindi naman tama 'yan."
"Bakit? Nagsasabi lang naman ako ng totoo ah?"
Sumasakit-batok ko, nag-iinit ulo ko. Ni-flush ko ulit tuloy ang kubeta para magpapansin, lumabas na rin ako matapos nun.
Para naman sila'ng nakakita nang multo pagkalabas ko.
Seryoso ako'ng tumitig sa salamin. Nag-ayos pa ako ng buhok.
"Speaking of the devil, the devil is me." may ngiti sa labi ko'ng nagsalita. Nginitian pa ako kanina nito'ng babae na 'to tapos 'yun pala minumura na niya 'ko sa utak niya.
"Alam ko gusto mo lang na pagaanin ang loob ng kaibigan mo. Pero sana hinay-hinay rin sa pagbibigay ng payo at opinyon. Kasi minsan, imbis na mapabuti pa ay itulak mo pa sa hindi maganda'ng gawain ang kaibigan mo."
Nanginginig naman 'to habang tinititigan ko siya. Parang gusto niya'ng sumagot pero ayaw lumabas ng boses niya.
"Sabi sa'kin nang Papa ko dati, kapag may gusto ka lalo na kung pag-aari ng iba, hindi solusyon ang pagnanakaw o pang-aagaw. Mas mabuti nang maghanap ka nang sa iyo, malay mo mas maging masaya ka pala."
"Miss Jonnie, sorry." ang babae'ng may crush diumano kay Cace ang nagsalita. Namumutla rin si Engineer.
"Sorry kung nawala gana mo nang makita ako. I'll try to be discreet next time." at tiningnan ko ulit ang isa na mukha'ng nalunok na ang dila.
BINABASA MO ANG
A Little Bit Of Something (On-Going)
ChickLitJonnie, the strong-independent-no-jowa since-birth woman decided to help her best friend Sica with her new vlog content. It was for fun and for money at first, until someone pulled the red string of fate, confusing her feelings for a friend she's be...
