(Cace)
Maaga'ng tumawag sa'kin si Tita Ligaya para tanungin kung gising na ba si Jonnie, kanina'ng madali'ng araw nga ay naalimpungatan ako nang pumasok ang nurse para e-check siya. I took that time to ask about what Jonnie can or can't do for the time being. Pati rin sa magiging diet niya, kinabisado ko. Ni-relay ko nga ang info na 'yun kay Tita Ligaya, nagpaalam na rin ako na ilalabas ko si Jonnie kapag pinayagan siya ng doktor. Tita gave her blessings and just told me to have fun with her daughter, or should I say she wanted me to make her daughter happy.
"Babe, are you okay?" pansin ko na hindi siya mapakali sa higaan nung bumalik na'ko sa kwarto niya matapos namin mag-usap ni Tita.
"Ang kati nung likod ko."
Mabilis ko'ng pinasok sa bulsa ko ang cellphone na hawak ko.
"Ako na," pansin ko kasi na akto'ng aabutin niya 'yun'ng likod niya para kamutin. "san ba banda ang makati?"
"S-sa gitna—"
"Dito?"
"Medyo sa kaliwa konti...hindi sa taas...baba saglit...ay lumampas ka, babu, higher muna...higher pa, kanan saglit..."
Napangiti ako.
"A-ayan! Ayan! Puta ang sarap." she groaned. "Sige, kamutin mo, diinan mo pa, babu."
I let out a chuckle.
"Ba't ka tumatawa?" she asked in between giggles.
"Ba't ka rin tumatawa?"
"Kasi natatawa ka."Ngumisi ako lalo.
"Ano'ng naiisip mo ha?" she teased.
"Wala."
"Luh luh luh, depensib."Napabuhakhak lang ako.
"Babu, tigang ka noh?"
"Babe—"
She continued giggling.
"Stop teasing me, ang aga-aga pa tapos nasa ospital tayo."
"Oo na, alam ko nasa ospital tayo."
Tumigil ako sa pagkakamot sa kanya.
"Babu." she called.
"Mm?"
"Makati boobs ko."
Muntik ako mapaluhod. Nanghina ako sa narinig ko.
"Hindi nga, makati nga!" she was half laughing. "Feeling ko mga libag ata 'to."
"Kuha lang ako nang pamunas mo." umiwas ako, hindi maganda na nilalandi niya 'ko kahit na sabihin pa natin'g hindi naman 'yun ang intensyon niya. The truth was still there, she's getting me turned on.
"Bawal pa ba ako'ng maligo?" usisa niya habang kumukuha ako ng wet wipes.
"Bawal pa."
"Ang kati na ng katawan ko."
"I'll wipe your body."
Tinulungan ko siya'ng bumangon nang dahan-dahan bago pumwesto sa katabi niya'ng bangko. Sa mukha niya muna ako nagsimula'ng magpunas, nakapikit pa mga mata niya.
"Kinamot ko kanina ulo ko ta's..."
Our eyes found each other.
"ambaho nung anit ko."
BINABASA MO ANG
A Little Bit Of Something (On-Going)
Literatura FemininaJonnie, the strong-independent-no-jowa since-birth woman decided to help her best friend Sica with her new vlog content. It was for fun and for money at first, until someone pulled the red string of fate, confusing her feelings for a friend she's be...