#31

40 1 3
                                    

(Jonnie)

Martes; day off ko. Nagpunta ako ng nursing home para magdeliver ng siomai at siopao. Umorder kasi si Ma'am Hani, mukha'ng tumalab 'yun'g marketing skills ko noon'g huli'ng punta ko.

     "Sa susunod ulit." Nakangiti si Ma'am Hani matapos iabot ang bayad sa'kin. Kumakain pa siya nang siopao.

     "Wala po'ng problema, kontakin niyo lang po ako. Free po ang delivery."

     "Salamat, Jonnie."

   Ngumisi ako.

     "Blooming ka ngayon, may jowa ka na?"

     "Ay wala po. Busy si crush."

     "Sino'ng crush mo? Kilala ko ba?" interesado'ng interesado talaga siya.

   'Yun'g panganay niyo po, si Via, crush ko po panganay niyo.

   Pero kidding aside.

     "Hindi ko po sure kung kilala niyo pero nagtatrabaho po siya sa pinapasukan ko rin'g kompanya."

     "Kaya pala hindi mo maamin-amin 'yun'g pangalan kapag tinatanong ka sa vlog kasi workmate mo pala."

     "Nanunuod din po kayo ng vlog?"

     "Oo naman. Team JoCace nga ako e."

     "Ahh." ang awkward nung tawa ko, "Ayun nga po, 'di ko maamin 'yun'g pangalan ni crush kasi torpe po ako."

   Natawa naman ang nanay ni Via.

     "Pero hindi man lang ba nagpaparamdam? Ngayon na kilala ka na online, wala man lang siya'ng ginagawa para bakuran ka?"

   Napaisip ako.

   Bakod na ba 'yun'g pagtapik niya sa balikat ko?

     "Hindi ko rin po sure."

   Crush kung nagpaparamdam ka nga, pakigalaw ng baso.

     "Tsk." reaksyon ni Ma'am Hani.

     "Tingin niyo po tatanda ako'ng dalaga?"

     "Bakit naman?"

     "Kasi napapatakbo po ako palayo kapag nandiyan na 'yun'g crush ko, parang tanga lang. Jowa'ng jowa naman na po ako. Pero 'yun nga, in theory lang, not in practice. Kaya pakiramdam ko tatanda nalang talaga ako'ng dalaga. Sayang naman po 'yun'g dalawa'ng milyon na eggcells na regalo ni Lord."

   Napabuhakhak si Ma'am Hani. Tinawanan ba man lang 'yun'g dilemma ko?

     "Ikaw ba ay never pa talaga'ng nagkaboyfriend?"

   Umiling-iling ako.

   Hindi naman kasi counted si...si ano..basta. He who should not be named.

     "Sa totoo lang po sexually frustrated na ako. Pakiramdam ko tumatanda na lahat ng organs ko at inaagiw na 'yun'g reproductive system ko."

   Maliban sa buwan-buwan na pagdugo, wala na po'ng iba'ng ginagawa 'yun'g sistema ko. Hindi ko na rin alam kung maaawa pa ba 'ko sa kalagayan ko, chaaar.

     "Gusto mo hanapan kita ng boyfriend?"

   Napaisip ako.

   Panahon na siguro para pumayag sa mga blind dates.

     "Gwapo po ba?"

     "Gusto mo gwapo?"

     "Opo." bilis ko'ng makatango, aba'y iba rin naman talaga, "Tsaka maganda katawan, 'yun'g dependable ganyan. Matalino rin po dapat, tsaka mabango, makakasundo ko, tanggap ugali ko, may takot sa Diyos, hindi laruan ang tingin sa babae. Hindi anti-poor, mas lalo'ng hindi pro-death."

A Little Bit Of Something (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon