(Jonnie)
Bago'ng ligo ako'ng humarap sa salamin ko sa kwarto. Dumadaloy pa sa dibdib pababa ang tubig mula sa mamasa-masa ko'ng buhok. Wala ako'ng ano'ng damit, nakatayo lang talaga ako sa harap ng salamin.
Bigla ako'ng nangisi. I feel so renewed. Chaaar!
Nagpaikot-ikot ako sa loob ng kwarto na wala'ng saplot.
Malaya.
Masaya.
Maligaya.
Nahinto ako nang mag-beep ang cellphone ko. May message galing kay Cace, nakauwi na raw siya sa kanila at tinatanong ni Tita Lea kung kumain ba ako bago umuwi.
"Pakisabi sa Mama mo, ikaw ang kinain ko." napaagikgik naman ako habang nagrereply.
"Chaaar." kasunod ko'ng message.
"I'll tell her."
Siyempre nataranta lola niyo sa reply ng jowa. Ayan, Jonnie, biga pa.
"Hooyy! Gagu wait! Joke lang 'yun!"
"I already told her. Mom laughed."
"Baliw ka!" tapos ang dami'ng crying emojis. Kinabahan talaga ako. Baka akalain ni Tita ay maharot ako. Though tama naman talaga pero nahihiya rin ako uy.
"I was just kidding, babe."
"Hmp!" wow, Jonnie, ang arti.
"By the way, are you really okay? Hindi ka talaga napagod? Or nagkacramps?"
"Matibay katawan ko. Parang I was born for this."
Naka-capslock na tawa naman ang reply ni Cace.
"I'm glad to hear that."
"Huwag ka masyado'ng mag-alala sa'kin, ayos lang talaga ako. Kaya ko pa rin'g magpaikot-ikot sa kwarto ko at mag-fly kick." salamat talaga sa balut na dinadala ni Pedro dati, isa rin 'yun pampatibay ng akin'g tuhod.
Smiley emoji na nagba-blush ang reply niya. Nai-imagine ko tuloy ang kilig face niya kaya kinilig din ako.
Nakapagbihis na rin ako nang damit pambahay, green na panty na may green apple print lang ang underwear na suot ko. Pinatungan nang maaliwalas na T-shirt. Naalala ko naman ang suot ko kanina, tatlo'ng set ng lace na underwear ang ni-order ko online, isusuot ko 'yun kapag magsi-sexy time kami ni Cace. Pero mahilig talaga ako sa colorful panties, kung hindi bulaklak ay prutas ang prints.
Bakit ba ako nagshi-share tungkol sa panties ko?
Basta ayun.
Patalon-talon ako'ng naglakad papunta'ng kusina. Kumuha ako ng nakahiwa nang prutas sa loob ng ref tapos Greek yogurt. Naupo ako sa pwesto ko sa hapag, pinatong pa ang mga paa sa katapat na upuan. Na-notify ako na ni-tag ako ni Cace sa post niya sa IG.
Napaubo naman ang lola niyo nang mabasa ko ang ni-post niya. Dali-dali tuloy ako'ng tumungga ng tubig na nakahanda lang sa mesa. Pero 'yun'g kilig ko at pagpipigil nang tili habang umiinom ay iba, parang sasabog puso ko, uminit buo'ng pagkatao ko. Parang gusto ko ulit papakin jowa ko sa sobra'ng kilig.
"Mammaaaaa!" pagsisigaw ko. Tama'ng lakas lang para marinig nina Mama sa kwarto nila.
"Bakit?"
"Titili po ako!" at tumili nga ako after three seconds. Nag-ingay na naman ako sa amin'g household. Kamuntikan ko nang sabunutan sarili ko.
BINABASA MO ANG
A Little Bit Of Something (On-Going)
Literatura FemininaJonnie, the strong-independent-no-jowa since-birth woman decided to help her best friend Sica with her new vlog content. It was for fun and for money at first, until someone pulled the red string of fate, confusing her feelings for a friend she's be...