Chapter 1
Papunta ako ngayon sa bahay ng boyfriend ko we're almost 2 years. Pupuntahan ko siya sa kanilang bahay dahil di na madalas ang pag sasama namin dahil nga sa mga school works lalo na at magco-college at graduation na'rin namin next week kaya naman aayain ko siyang lumabas. I texted him but I'didn't received any reply from him.kaya naman pupuntahan ko na lang siya baka rin pagod yun kaya maaalagaan ko siya at maka-bawi man lang.
Bago ako kumatok sa kanilang pintuan may naramdaman akong biglang kaba ng walang dahilan ngunit di ko na lang pinansin yun at kumatok sa pintuan. Ilang segundo pa ang nakalipas ng bumukas na ang pintuan at bumungad sa akin si Tita Ella .
"Hello iha puntahan mo na lang si Lucas sa kanyang kwarto at ako'y matutulog muna kaka-dating ko lang kasi galing sa trabaho pasensya kana" Inaantok na saad nito.
Si Tita Ella na lang kasi ang nagta-trabaho dahil ang kanyang asawa ay iniwan sila at sumama sa ibang babae pero kahit ganun ay maunlad pa rin ang pamu-muhay nila. Malaki rin ang bahay nila at may sariling company din si Tita Ella kaya naman grabe ang pagod nito araw-araw kadalasan ay inu-umaga na ito umuwi katulad ngayong araw ngayon lang siya umuwi at kitang kita sa kanyang muka ang pagod.
"Nako po tita ako nga po dapat ang mag pasensya sa iyo. papasok na po ako Pahinga na po kayo Tita, Salamat po" Hinalikan ko pa sa pisnge si Tita bago humakbang.
"Sige Iha matutulog na ko"Sabi nito at kita talaga sa mata niya na babagsak na ito. At saka ito pumasok sa kanyang kwarto.
Si Lucas ang first boyfriend ko. nung una ay okay ang lahat. masaya, naayos ang problema pag nag kakaron ng tampuhan. Then one day bigla siyang nag bago..... naging cold siya at nag patuloy yun pero lagi niyang sinasabing pagod daw siya at lagi kong ini-intindi yun.
Umakyat naman ako para pumunta sa kwarto ni Lucas palapit pa lang ako ng palapit sa kwarto niya ay mas tumi-tindi ang kaba ko kahit wala naman itong dahilan. Nang nasa tapat na ako ng kwarto ay dun na bumuhos ang luha ko. Nasa tapat pa lang ako ng pintuan ay naririnig ko na ang mga tunog ng dalawang taong may ginagawang kagaguhan. Pinunasan ko ang aking luha at huminga ng malalim upang pigilan ang mga luha babagsak. At saka ko Binuksan ang Pinto, parang nag slow motion lahat nang buksan ko ito Unti-unti na namang nag babadyang tumulo ang mga luha ko. At tama nga ang hinala ko si Lucas may kasamang ibang babae at ang masakit pa dun ay di nila ako napansin dahil sa ginagawa nila.
Katunayan ay hindi na dapat ako nasasaktan ng ganito. Dahil dati palang ay nagagawa niya na ito. Pero yung ganto.... yung mag kasama sila sa iisang kwarto at parehong hubad ay di ko na kaya. Parang dati nakikita ko lang siyang may kahalikang iba ngayon ganto na. Wow level up. Paulit-ulit siyang nag loloko pero hinahayaan ko ito at parang walang alam. Ganun naman diba? Pag mahal mo yung tao handa mong kalimutan yung nagawa nilang kasalanan kasi mahal mo sila, takot kang iwan. Kasi nasanay ka sa presensya niya.Pero yung ganto..... di ko na kaya. sasanayin ko nalang siguro na ako na lang ang mag isa at di na siya ang kasama.
"Pasensya na mukang naka istorbo ata ako" Lumuluhang saad ko.
"N-natalia" Gulat na gulat ang muka nito ng makita ako.
"Oy napansin mo rin pala ako kala ko sobrang busy ka na e. Ay hindi busy kana pala talaga. Kaya ka pala pagod araw-araw" Patuloy pa rin umaagos ang mga luha saking mga mata habang pekeng nakangiti.
"N-natalia let me explain" Kabado itong nag sasalita habang ang kasama naman niyang babae Ay parang tuwang-tuwa pa sa nang-yayari.
"Explain?..... Anong ipapaliwanag mo?
na kaya mo nagawa yan kasi ano? Ano?! Sabihin mo kasi araw-araw ako nag te-text at iniisip ka kung ano na yung lagay mo di kita napupuntahan kasi nag-aaral din ako tas ito lang maabutan ko..... Ginagawa ko yun sayo kahit anong oras para lang mawala yang pagod mo. Di ko na ini-intindi kahit di ka nakaka pag reply kasi nga alam kong busy ka! P-pero yung ganto...." Nanlulumong saad ko. Ansakit eh.
BINABASA MO ANG
Still Into You
Teen FictionNatalia Rivera Guinness is an 18-year-old girl who has a lovely family that loves her like a princess. Her lover, Lucas James Santiago, cheated on her. Kleo Kent Irvine saved her bleeding heart one day. When she is around him, she feels reassured. N...