Chapter 51: Phone

214 17 0
                                    

Nagising ako sa ingay ng bunganga ni Ely.

"Omyghad amoy pabango ng lalaki" Sabi pa nito umupo sa kama ko. "Traidor ka sabi mo walang mag susuko ng perlas hanggat wala pang kasal" Patuloy ang pag bubunga nito kaya naiirita ko siyang tinitigan. Letche natutulog yung tao eh.

Alam niya naman na pumupunta si Kleo dito at minsan natutulog, sinasabi niya lang yan para bungangaan niya ako at gisingin, diba ang loko. 

"Inaantok pa ko Ely manahimik ka" Sabi ko pa at muling pumikit.

"Tanggalin mo yang antok mo at may pasok ka pa! Ito pag ibang pasok kering keri tapos pag papasok sa paaralan tamad na tama-" Di na natuloy ni Ely ang sasabihin niya ng mag salita ako.

"Ely! Ano bang pumasok sa kaluluwa mo at puro yan ang sinasabi mo... Ah alam ko na! Siguro naranasan mo na yan kaya ganyan ng ganyan bunganga mo!" Pag lipat ko sa kanya.

"Hoy tanga, tarantado, bobo, siraulo hindi no! pakyu!" Tuloy tuloy ang sabat nito kaya natawa ako.

"Eyy break it down yow" Sabi ko pa at tumawa. "btw asan si Isha sa at saka wala ka bang pasok ang aga aga nandito ka"

"Wala kaming pasok... si Isha naman kasama si Hunter" Sagot nito at humiga sa kama ko.

"Eh? Okay na sila?" Tanong ko pa nung nakaraan kasi sabi ni Isha di daw sila okay dahil nga umamin ang koyah niyo.

"Ewan ko ba don... pag may time iinterview natin yung gagang yon" Ngisi niya pa.

"Oh at saka bat ka nandito?" Tanong ko ulit.

"Bored ako sa bahay eh... ayaw mo ba? Edi wag haha sino ba naman ako para pumunta sa condo na to I'm just nobody" Nag two joints pa ang gaga habang nag sasabi non.

Umiling naman ako "Gaga tinatanong ka lang"  

"Ay ganon ba haha sorry ge" Sabat nito ulit kaya hinampas ko siya ng unan.

Natawa naman siya at sinabing may pagkain daw siyang dinala.

"Btw may pagkain akong dinala nandon sa kusina" Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya at ngumiti. "Pag kain ng aso" Biglang sabat niya kaya napa ngiwi ako at inirapan siya. 

"Muka bang may aso dito?" Irap ko.

"Ay wala ba? akala ko ikaw eh" Pag kasabi niya ay nag flip hair pa ang gaga.

"Tino mo kausap sana di kayo mag katuluyan ni Ethan" Ngisi ko.

"Joke lang hehe may pizza akong dinala sayo at saka yung paburito mong mang inasal" Bawi niya kaagad kaya natawa ako.

"Yon naman pala thanks" Tatalikod na sana ako ng mag salita ulit si Ely utot.

"Hoy sandali" Sabi niya at ngumuso.

"Ano?" Lumingon naman ako sa kanya.

"Bawiin mo muna sinabi mo baka mamaya mag katotoo" sabi nito ng naka busangot kaya natawa ako lalo.

"Mag kakatuluyan sila Ethan at Ely... mag kakaron sila ng benteng anak char" Sabi ko at mabilis na pumunta sa kusina di ko na pinansin ang bunganga ni Ely utot dahil natatakam na ako sa dinala niya.

ng maka punta sa kusina ay agad kong nilantakan ang dalang pag kain ni Ely. Syempre inuna ko yung mang inasal at sinunod ang pizza. 

Sa kalagitnaan ng pag nguya napatigil ako. 

Napabusangot ako ng maalala ko yung kagabi.

___Flash Back___

Pag ka alis ko sa kwarto agad akong pumunta sa veranda para huminga chor kaya ako pumunta sa veranda para matangal ang hiyang meron ako sa sarili ko.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon