Mabilis lumipas ang araw at panahon. Nanatili ang panliligaw sa akin ni Kleo. Minsan na rin kaming nag away at di nag pansinan. Partida wala pang kami niyan. Napapailing na lang ako pag naiisip ko iyong mga pinag awayan namin. Kadalasan ako talaga yung nang aaway kasi naman bad mood ako non tapos nalilipat ko sa kanya yung inis ko mwehehe. Naayos naman namin iyon dahil nag sosorry naman ako. Minsan labag pa sa kalooban pero atleast nag kakaayos kami.
8 months na ang lumipas simula nang ligawan ako ni Kleo. Mas excited pa nga saakin si Ely.
"Sagutin mo na kaya!" Sabat naman ni Ely sa akin. Paladesisyon siya sa buhay ko.
"Eh kung sagutin mo yung iyo at wag mong pakialaman yung akin? Great idea diba?"Pang babara ko kay Ely. Tumawa naman si Isha.
"Tawa-tawa ka jan palibhasa di ka niligawan kasi kayo agad!" Pag tataray ni Ely kay Isha. Napatawa naman ako itong Ely na to derederetsyo kung mag salita walang preno!
Napatawa naman ako ng mahina kaya bumaling sa akin si Isha at tinarayan din ako.
"Aba! San mo natutunan niyan!" Pag bibiro ko pa.
"Hindi ka namin pinalaki Isha para tarayan kami" Pakikisabay ni Ely sa trip ko. Ang isa niyang kamay ay naka lagay sa kanyang isang mata na parang naiiyak at ang isang kamay niya naman ay naka hawak sa dibdib niya na parang nasasaktan. Loko talaga.
"Pakyu! Sana mag bago isip nang mga nanliligaw sa inyo at di na kayo ligawan!" Bawi ni Isha sa aamin kaya mabilis kaming napalingon sa sarili ni Ely at mabilis na lumuhod.
"Hoy joke joke lang naman yon bawiin mo yung sinabi mo" pag mamakaawa ni Ely kahit alam naman niyang biro lang iyon ni Isha. Dohz minsan nag kakatotoo kaya dapat bawiin yon.
"Kung di mo babawiin ang sinabi mo pwes ngayon sasagutin ko na siya" Hinawakan ko ang cellphone ko at tatawagan na sana si Kleo ng malakas sna tumawa si Isha.
"Syempre joke lang yon mga alipin ko" Tawa niya at naka tingin sa amin habang nakaluhod kami. "Sige nga Natali sagutin mo" Ngisi ni Isha.
Nag init ang pisnge ko at nag iwas ng tingin.
"Go go go!" Singit ni Ely.
"Sa 18 na" sabi ko at ngumiti.
"Wohooooo" Mabilis na nag tatalon ang dalawa na para bang nabalitaan nilang ikakasal na ako.
Napailing naman ako at pumunta sa kanila.
"Sali!" Sabi ko at tumigil ang dalawa at nang makalapit na ako ay nag tatatalon na ulit kami. "28 akin" Singit na sabi ni Ely habang natalon kami kaya mabilis kaming sumigaw ni Isha.
"Yohooooo"
"Sa 14 monthsary na namin" Sabi ni Isha kaya muli kaming tumalon at umikot.
"Pagod na ako" Hinihingal na sabi ni Ely.
"Ako den" sabay na sabi namin ni Isha.
Sabay kaming tatlo bumagsak sa kama buti na lang malaki itong kama ko kung hindi may bukol na ang isa sa amin o kaya'y may pilay na.
________
"Masyado na ba akong gwapo para titigan mo?" Naka ngising sabi ni Kleo sa akin kaya natangal ang tulala ko.
Nag iisip kasi ako ng pwedeng gawin o magandang gawin sa pag sagot ko sa kanya.
3 days na lang kasi mag 18 na.
"Hala siya di sumagot" Muling salita niya.
Inirapan ko lang ito at ininom ang Avocado shake.
"May problema ba? or may topak ka nanaman?" salita nito kaya napatingin ako dito.
BINABASA MO ANG
Still Into You
JugendliteraturNatalia Rivera Guinness is an 18-year-old girl who has a lovely family that loves her like a princess. Her lover, Lucas James Santiago, cheated on her. Kleo Kent Irvine saved her bleeding heart one day. When she is around him, she feels reassured. N...