Chapter 76: Door

216 12 0
                                    

Mabilis akong napangiti ng makita ang kabuuhan ng bahay. Gumanda na kasi ito hindi katulad ng dati. Mabilis lumipas ang panahon at malapit na naming matapos ang project na ito.

Mabilis lang naman dahil irerenovate lang naman siya para mag mukang bago at may unting ipinadagdag lang. 

"Kumain kana?" Tanong sa akin ni Kleo. 

Tinangal ko ang ngiting meron ako bago lumingon sa kanya at umiling.

"Treat k-" Di niya pa natatapos ang sasabihin niya ng mag salita ako.

"Okay lang di pa naman ako gutom" Pag kasabi ko non tumunog ang tyan ko kaya nakagat ko ang ibabang labi ko sa inis. Di man lang siya naki sabay sa kasinungalingan ko. 

Tumawa siya ng mahina kaya napairap ako. 

Sa araw-araw naming mag kasama sa tuwing nandito kami ay hindi ko siya kinakausap. Minsan ko lang siya kinakausap pag nag tatanong siya or pag kinakausap niya ako don lang ako nasagot. 

Kailangan kong panindigan yung sinabi ko nung 18 no! Kaya kung maaring umiwas...umiiwas ako. 

"Kakain ako mag isa so kumain ka rin mag isa" Sabi ko at mabilis na tumalikod para pumunta sa isang kwarto dahil nandon ang bag ko. 

Nag tataka ako nang sundan niya ako kaya nilingon ko ito at tinaasan ng kilay.

"Nandon din ang bag ko" Sabi nito at ginagat ang pang ibabang labi para pigilang tumawa.

Tumalikod na lang ako at napairap sa inis. 

Nang makapasok sa kwarto ay mabilis kong hinanap ang wallet ko sa bag pero wala yon! 

Kailan pa ako naging ulyanin?! San ko ba nilagay? Isip Natalia Isip.

Wala talaga akong matandaan.

"Okay...I'll treat-" Salita niya kaya mabilis ko siyang nilingon. 

"No...nandito lang yon wag kang maingay naiirita ako sayo" Pag sasabi ko ng sama ng loob.

Tumawa lang ito ng mahina at hinayaan akong hanapin ang wallet ko. 

Pero nakakatatlong beses na check na ako sa bag ko wala talaga.

"Ikaw na lang ang kumain...hindi naman talaga ako gutom" Muling tumunog ang tiyan ko kaya mabilis akong nag iwas ng tingin. "K-kabag kaya to" Pag dadahilan ko pa.

Tumawa ito kaya mabilis ko siyang tinignan at sinamaan ng tingin.

"W-why?" Tumatawa niyang sabi. Hindi na siya naka pag sasalita ng maayos kakatawa.

Ngumuso ako para pigilan ang pag tawa at lumapit sa kanya. 

Mabatukan nga to.

Umatras ito nang umatras habang tumatawa. 

"pft...nakakainis kana ha!" Pigil tawa kong sabi.

Tuloy tuloy lang siya sa pag atras ng biglang mag sarado ang pinto dahil nasagi niya ito. 

Yung door kasing yon mabigat so pag nasagi mo lang yon tuloy tuloy na yong mag sasara. 

Mabilis nanlaki ang mata ko ng marinig ang tunog na yon. Iba ang tunog ng pintong iyon kung nag sara lang sa nag lock talaga. 

Di ko pinansin si Kleo at tinry buksan ang pinto at...tama nga! Nag lock siya! 

Huwaaaaaaaaaaaaaa! 

"N-nag lock siya..." Kinakabahang sabi ko. 

Napatigil tuloy sa pag tawa tong si Kingkong at pumunta rin sa pinto para tignan. 

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon