Chapter 27: Truth or dare?

265 29 1
                                    

Pumunta kami sa unahan dahil yun ang sabi ng host.

Nanatili pa rin ang kaba ko.

"So ganto ang gagawin. Mag blindfold ang girls then kung sino yung mahawakan or matapatan niyo girls...siya ang magiging partner niyo para sa gagawing truth or dare. Gets?" Paliwanag ng host sa amin na agad ko ding naintindihan.

"Gets!" Sabi naming anim.

Shit kinakabahan ako calm down natalia huhu.

Kinabitan na kami ng mga blindfold at sinimulan na ang mga laro.

"Boys mag si palit-palit muna kayo ng pwesto" Narinig kong sabi ng host. "Ready na girls?" Tanong nito sa amin.

"Yes po" Sabay sabay na ani namin nila Ely at Isha.

"Go!" Sabi ng host dahilan upang hanapin na namin kung sino ang magiging kapartner namin.

Mabilis kong na amoy ang pabango ni Kleo kaya sinundan ko ito.

Tangnang pabango yan parang binuhos niya sa buong katawan eh.

ilang segundo pa ang nakalipas ng nararamdaman kong palapit na ako sa kanya.

ng maramdaman ko ang presensya niya ay nagulat ako ng hawakan niya na ang kamay ko. Kahit di ko nakikita ang muka nito ay alam kong siya na iyon.

Mabilis na nag init ang pisnge ko kaya yumuko ako.

Narinig ko pa ang mga sigaw ng mga tao dahil sa pang chi-cheer.
ang iba naman ay kinikilig.

"Yesh. Tatanungin ko muna kayo then pag sinabi kong pwede niyo nang tangalin yung panyo. Tangalin niyo na ha." Paalala ng host. 

"Okay dahil kayo ang nasa unahan kayo ang una kong tatanungin....." Sambit nito "Natalia ano ang pakiramdam mo?" Tanong ng host sa akin.

"I think siya na to" Sagot ko naman at tumawa.

"ow may pag ganern. Sige pwede mo nang tangalin yung panyo mo" Sabi ng host kaya naman tinangal ko na.

Hehe tama ako ng napili.

Ngitian ako ni Kleo kaya nginitian ko siya pabalik.

Bat ang gwapo niya? kaurat!

"Osya lipat na tayo! Kaurat yung titigan ng friend with benefits na yan!" Sabi ng host kaya nag tawanan kami.

Lumipat naman ang host kila Ely at........pft.....Ethan.

Aba't di papahuli ang babae ha.

"Ano ang pakiramdam Ely?" Tanong ng host kay Ely.

"Madilim eh" Sagot ni Ely kaya napatawa ang lahat.

Nasapok ko naman ang noo ko at tumawa rin.

Nakita ko pa na ngumiti si Ethan.....wow first time.

"Sige tangalin mo na ng di ka madiliman" Sabi ng host kaya muling tumawa ang mga tao.

Pag katangal ni Ely ng panyo sa mata niya ay agad namang namula ang pisnge nito.

Inlab ang Ely tsk...tsk.

"Okay, Lipat na tayo sa kabila" Sabi ng host at pumunta sa pwesto nila Isha at.....Hunter.

"Anong nararamdaman mo Isha?" Tanong ng host kay Isha na naka blindfold.

"Feel ko tao siya" Sabi naman ni Isha na ikinatawa ng tao.

"Jusko, Si Natalia lang ang maayos kausap" Nasapok ng host ang noo niya habang nailing.

Tumawa naman kami.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon