Inabutan kami ni manang ng payong kaya naka pasok kami sa loob ng bahay.
Nahihiya pa nga ako dahil baka nandyan ang mga magulang niya.
Pero laking pag tataka ko ng wala.....siguro masyadong busy ang mga parents niya.
Dumaretso agad kami sa kwarto.
Pansamantala muna ako sa kwarto ni Kleo habang inaayos ang guess room na tutulugan ko.
"Btw naiwan mo yung white t-shirt mo dito so pwede mo siyang suotin if want mo" Sabi ni Kleo at ibinigay ang white t-shirt ko.
"Thank you" Sabi ko at pumunta sa cr meron naman akong cycling sa pang baba kaya kahit hubarin ko ang trouser ko ay okay lang at saka matatakpan din naman iyon ng t-shirt dahil medjo malaki iyon.
Nag hilamos na lang ako ng muka ko at nag palit ng damit.
Pagkatapos non lumabas na ako ng cr.
Nakapalit naman si Kleo ngayon ng sando at short. Aba anlakas ng loob mag sando naulan na nga tapos naka aircon pa siya. Angas."Angas mo ha sando ka pa jan ang lamig lamig na" Sabi ko pa dito at idinuro ang suot niya.
Napatulala pa ito saglit bago mag salita "Bakit ikaw? masyadong maikli ang short mo" Sabi nito at umiwas ng tingin.
"Cycling lang kasi to kaya natural na maikli" Sabi ko dito. Napatingin naman ako sa suot ko para sa akin sakto lang naman ha di naman sobrang ikli.
Di naman siya umimik kaya tumabi ako sa kanya at nag salita.
"Bakit wala ang parents mo dito?" Tanong ko sa kanya sa tuwing pumupunta kasi ako dito di ko nakikita ang parents niya kaya nag tataka ako.
"Tuwing sabado at linggo lang sila nauwi....masyado kasi silang busy sa company" Sagot naman niya.
"Saan sila natutulog?" Tanong ko ulit dito.
"Meron silang condominioum na malapit doon sa company" Sagot nito sa akin.
"Last na talaga hihi.....di ka ba nagagalit o nag tatampo sa parents mo dahil di sila nag kakaron ng time sayo?" Tanong ko dito at pahina ng pahina ang boses.
"Minsan, oo pero pag iniisip ko na para din naman sa akin yun at para na din sa future ko nawawala ang tampo ko" Sabi naman nito at ngumiti ng malungkot.
"Nandito naman ako eh tayo na lang mag bonding pag malungkot ka basta......" Nahihiyang tugon ko.
"Basta?" Sabi nito at ngumisi.
"Basta libre mo hehe" Ngumiti at nag peace sign pa sa kanya.
Umiling naman siya at mahinang tumawa.
"Gusto mo pa ba kumain" Tanong nito sa akin.
"Hindi na siguro andami ko na din nakain kanina sa pinuntahan natin eh" Sabi ko pa at hinamas hamas ang tiyan ko.
Tumango na lang siya at kinuha ang gitara na katabi niya mismo.
"Kanta tayo?" Tanong ko. Tumango siya at ngumiti.
Yehey!
Your text- Sun Dial
Inumpisahan niya na ang pag strum ng gitar kaya sinimulan ko ang pag kanta.
"Hey pretty stranger
I think you look cute
Can I get your number?
I wanna know you" Pag kanta ko.
BINABASA MO ANG
Still Into You
Teen FictionNatalia Rivera Guinness is an 18-year-old girl who has a lovely family that loves her like a princess. Her lover, Lucas James Santiago, cheated on her. Kleo Kent Irvine saved her bleeding heart one day. When she is around him, she feels reassured. N...