Mabilis lumipas ang oras........ito ako ngayon naka upo sa sala ng condo ko at inaantay ang text o kaya tawag niya. Naka bihis na rin ako ng formal.
Nag open ako ng facebook upang matangal ang bored. Ng maiopen ko yun nakita ko ang mga message isa na don yung kay Ely, Isha, Kleo, at si Theo.
Binuksan ko muna yung kay Kleo dahil nacucurious ako kung ano bang naka lagay doon.
Messager:
Kleo: We have a problem......hm baka mga 8 pm na kita masundo.....I'm so sorry
Napangiti ako ng mapait bago siya replyan.
Natalia: It's okay
Pag katapos non pumunta na ako sa gc namin nila Ely at Isha.
Messager:
Ely: Party tayo minsan na lang to!
Isha: Wow kala mo walang gagawin.
Ely: Yun nga e sa sobrang daming gagawin gusto kong marelax mind ko duhz....bilis na saglit lang tayo.
Isha: sige tanungin mo muna si Natalia baka sumama.
Napangiti naman ako.
Natalia: Sure naka bihis na ako saan ko kayo susunduin?
______
Nag hahantay ako ngayon at tumitingin sa paligid kung nandyan naba sila Ely at Isha.
Ng mahagip ko sila ay agad ko silang nginitian at kinawayan.
Ngumiti si Ely at parang batang tumakbo papunta sa kotse ko.
Napailing na lang ako at tumawa ng mahina.
Si Isha naman niyakap ako pag kalapit din.
Ng pumasok sila sa sasakyan wala ng tigil ang bunganga ni Ely kesyo daw about sa kanila ni Ethan keneme.
"Oh tapos? Anyari?"
"Ayoko na! Sayang laway ko don! Daldal ako ng daldal tapos siya nakatitig lang tumatango tapos pag binabanatan ko tahimik lang!" Sabi ni Ely sabay nguso.
"Epekto yan nung high school sabi mo pa ayaw mo sa serious type tapos ngayon rereklamo reklamo ka" Sabi ko sa kanya at tumawa.
"Saka ilang linggo palang kayong mag kakilala te, masyado mong minamadali yung tao malamang malay mo kinikilala ka palang or di pa sanay sayo gaga to mas mabilis ka pa sa speed" Sabi naman ni Isha at umiling.
"Wow naman meron akong dalawang nanay" Nguso ni Ely at tumingin sa salamin.
"Oh btw kamusta kayo ni Kleo?" Tanong ni Isha.
"Ahuh? Ah okay naman actually nag yaya siyang lumabas kanina ng 6pm pero di natuloy dahil nag karon daw ng problem at 8pm na daw niya ako masusundo.....okay lang no pakels" Nguso ko at nananatiling naka tingin sa daan.
"Oh btw kamusta kayo ni Hunter?" Tanong ni Ely at ginaya ang tono ng pag kakasabi ni Isha katulad ng sinabi niya sa akin kaya napatawa ako ng mahina. Lokong Ely.
"Di ko siya pinapansin" Ngiti ni Isha... yung ngiting di siya masaya.
"At bakit naman aber?" Sabay naming sabi ni Ely.
"Umamin eh......ayoko non. Mag kaibigan kami yun lang... papansinin ko din siya pag humupa na nararamdaman niya sa akin" Sabi ni Isha at pumikit.
"Andito na tayo!" Sabi ko ng matapat nanamin ang BGC Bar.
Pag kapark ko ng sasakyan ay agad kaming nag tungo sa loob.
Napakapit naman ako kay Ely at Isha di ako sanay sa ganto.
BINABASA MO ANG
Still Into You
Teen FictionNatalia Rivera Guinness is an 18-year-old girl who has a lovely family that loves her like a princess. Her lover, Lucas James Santiago, cheated on her. Kleo Kent Irvine saved her bleeding heart one day. When she is around him, she feels reassured. N...