Chapter 53: Jealous

230 16 0
                                    

"Hi bebeluvs dumating ka rin" Ngiti pa ni Theo ng makita akong papalapit sa kinauupuan niya. May binulong pa siya ngunit di ko na narinig.

Nandito kami sa engrandeng resturant di na ako nag taka dahil magastos tong Theo na to.

"Libre mo to ah" Bulong ko pa.

"Syempre, Pumili kana ng gusto mo" Sabi niya pa.

"K" Sabi ko at tinignan ang menu.

Wala pala akong ganang kumain... unti na lang kakainin ko baka di ko rin kasi maubos.

"Hmm taco and... salad" Sabi ko naman sa kanya.

"Yun lang?" Tanong sa akin ni Theo.

"Yup" Ngiti ko sa kanya.

Gusto niya pa sana akong tanungin kung sure na ba ako don pero nginitian ko lang siya kaya ayon walang laban ang koyah niyo.

"Tanggalin mo kaya salamin mo" Sabi niya pa ng mapansing nananatili ang salamin sa aking mata.

"at bakit naman?"

"Para makita ko kagandahan mo" Ngisi niya pa.

"ayoko, ibang tao yung  gusto kong makakakita ng ganda ko" naka ngiwing saad ko.

"Ouch" Sabi niya pa at humawak sa dibdib niya para kunwareng nasaktan.

Tumawa lang ako ng mahina bago inalis ang salamin na nag tatakip ng mugto at maga kong mata.

Napa titig sa akin si Theo at tumango para bang alam niya na ang dahilan kung bat mugto ang mata ko.

sakto namang dumating ang order namin kaya tahimik kaming kumain.

"so... anong gagawin natin pag katapos nito?" Tanong niya ng matapos kaming kumain.

"Hmm... uuwi?" sabi ko naman.

"No" Sabi niya pa.

"then, what?" 

"Hindi ko hahayaang uuwi ka pa rin ng malungkot pag katapos mo akong kasama" Ngumiti siya sa akin habang sinasabi iyon.

Napatitig ako sa kanya ng ilang segundo bago ngumiti.

_______

"Anong gusto mong flavor?" Tanong ni Theo sa akin dahil ililibre niya ako ng ice cream.

"Chocolate na lang" Walang ganang sagot ko at umupo sa malapit na bench.

Tumingin tingin lang ako sa palagid at dinadama ang malamig na hanging dumadapo sa aking balat.

Ipinikit ko ang mata ko pero di rin nag tagal dahil kinalabit ako ni Theo at ibinigay sa akin ang ice cream na binili niya para sa akin.

"Salamat" pilit na ngiti ang ibinigay ko sa kanya.

"pano ka ba pasasayahin" Sabi niya pa.

"Di ko alam" Mahinang tawa ko. Di ko alam kung pano ako sasaya ngayon... 

"Mukang alam ko na kung anong mag papasaya sayo" Sabi niya pa kaya napalingon ako sa kanya. Ngumiti siya ng pilit sa akin. 

"Ano?" 

"Yung lalaking dahilan ng pag iyak mo ngayon" Ngiting pilit niya sa akin.

Ngintian ko siya at unti unting humagulgol. 

"Hoy hala tanga wag kang umiyak" Natatarantang sabi niya at lumapit sa akin para pakalmahin ako.

"Tangina mo kasi eh" Sisi ko pa sa kanya habang patuloy na naiyak.

Narinig ko naman ang tawa niya.

Kaya mabilis ko siyang binatukan.  Napa ngitiwi naman siya kaya natawa ako. 

"Panget mo" Sabi ko habang tumatawa.  

Para na akong timang dahil may luha pang bumabagsak sa mata ko pero tumatawa ako.

"ayon, napatawa rin kita" Ngiti niya kaya naman napangiti rin ako at pinunasan ang mga luha.

---

Saglit lang kami doon sa bench at umuwi na.

Habang tinatahak ko ang daan pauwi napangiti ako.

Kung di ko lang siguro sinungitan si Theo noon mag kaibigan na kami non.

Mabilis akong nakapunta sa condo.

Habang papalakad sa pinto ng condo ko nawala ang ngiti ko ng makita kung sino ang nag iintay don.

Si Kleo iyon. Nakapikit siya at nakaupo sa tapat ng pintuan ko. 

Mabilis niyang minulat ang mata niya ng maramdaman niya ang presensya ko. 

Ngumiti siya sa akin ng pilit at nag salita.

"Sa condo nila Ely huh?" pilit ngiti niyang sabi sa akin.

"Sorry, Pagod ako" Hahawakan ko pa lang ang doorknob ng pinto ng mag salita siya.

"Pagod din naman ako Natalia"

"Kung ganon mag pahinga ka" Malamig na sabi ko dito.

"Ayoko" Matigas na sabi nito.

"Bahala ka sa buhay mo" Matigas na sabi ki at bubuksan na sana ang pintuan ng mag salita na naman siya.

"Nag sinungaling ka sa akin para iwasan ako..." Tumawa siya ng peke. "Ang hirap"

"Do you think it's easy for me too?!... naguguluhan ako!...naguguluhan ako kasi di ko alam kung tunay ba yang nararamdaman mo! D-di naman ako iiwas ng walang dahilan..." nanginig na sabi ko. Pinipilit na di maiyak.

"W-what do you mean?" Naguguluhang tanong niya.

"Pumunta ako sa building niyo... Akala ko naka uwi kana kasi walang tao... pero nag patuloy ako kasi nga kakausapin na ulit kita... kasi nahihirapan at naguguluhan din ako... t-tapos nakita kita may kasama kang babae... di ko naman lalagyan ng meaning yon kaso... lumapit siya sayo... sobrang lapit... bago pa ako may makitang ikakasakit ko umalis na a-ako" Sabi ko pa at unti unting tumulo ang luhang kanina pa pinipigilan.

Ayos na eh... naka ngiti na ako kanina... ano nanaman to.

"No, umiwas ako non Natalia" Lalapitan niya sana ako ng tignan ko siya ng masama.

"Sana nga..." Mabilis akong pumasok sa condo ko at isinara ang pinto.

Theo's POV

Hi! I'm Theo Kai Thayer at kung matatanong niyo kung may maganda akong dulot dito. Well ako lang naman ang lagin- charot, tanga  saka niyo na malalaman. 

yon lang bye! 

---- 

Mabilis dumaan ang mga araw at napag patuloy ko ang di pamamansin kay Kleo.

Sabado ngayon at syempre gumawa muna ako ng mga gawain sa school. 

Pagkatapos ko sa lahat napa tingin ako sa paligid.

Nasanay kasi ako na nandito siya pag tuwing Sabado o kaya linggo.

Umiling ako sa sarili.

wag ka Natalia... natiis mong di siya pansinin kaya panindigan mo yan.

Wala akong magawa kasi gusto ko siya... ampanget nga kabonding ng h4rT ko dapat na turn off na ako nung makita ko siya at nung babae pero syempre isa akong dakilang tanga gorabels lang hayuf.

Sa huli tinawagan ko na lang sila Ely at Isha para lumabas at maki pag bonding.

Namiss ko din sila lalo na bunganga ni Ely utot ano kayang bagong chika ng babaeng yon. Namiss ko rin si Isha kung mag salita ay parang nanay na.

Kahit namimiss ko na si Kingkong mananatili ang pride ko haha no siya gold.

Oo gold siya pero galit pa rin ako hah!

:)(



Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon