"Akala ko ba busy ka" Tanong ko kay Ely nang nag paplano silang pumunta dito sa boracay.
[ayaw mo? siguro nag kakamabutiha-] Di niya na natuloy ang sasabihin niya ng mabilis akong dumepensa.
"Hindi kaya...saka wala akong sinasabing a-ayaw ko no!" Sabi ko pa dito kaya narinig ko ang tawa niya at tinawag si Isha.
[Aha! Guilty!...Isha lumapit ka dito! Kumakarengkeng na ang anak natin] Sabi pa nito habang tumatawa kaya napairap ako.
"Kaya ko kayang lumandi malaki na ako" Satsat ko pa.
[Talaga? Kaya pala single ka pa rin hanggang ngayon. Oh baka naman may inaanta-"]
"Wala akong inaantay...masaya lang talagang maging single! at saka kung makapag salita ka kala mo di ka single ah!" Sabat ko pa.
[Talagang di ako sing- I mean atleast ako kahit single gorang gora lumandi eh ikaw?]
"Wala lang ako sa mood sa mga ganon"
[wala sa mood ampota ano yon 5 years kang wala sa mood lumandi? booo pakyu wala kang maloloko dito] Sabat pa niya.
"Alam mo sinisira mo lang ang araw ko no! Isha pag sabihan mo nga to alam kong katabi mo si Ely" Naiinis na sabi ko.
[Tama naman si Ely] Kampi niya kay Ely kaya halos maluha luha ako. [so proud first time akong kinampihan ng gaga] Masayang sabi ni Ely.
"Babye na nga! Iloveyou pero galit ako"
[ Marupok ka eh kaya Iloveyou too den ingat ka!] Sabi nila at ipinatay na ang tawag.
Kabweset talaga. Kaya kong lumandi sa iba papatunayan ko yan.
Narinig ko ang pag bukas ng pintuan ng room ko kaya nakapamewang ko siyang sinalubong.
"Sinong nag sabing pwede kang pumasok dito?" Mataray na sabi ko. Galit pa rin ako sa kanya. Masaya lang ako kanina dahil sa dagat yon lang.
"I have a food" Sabi nito kaya bumaba ang tingin ko sa hawak niya at mabilis na natakam.
"Ngayon ka lang pwedeng pumasok ah b-bukas bawal na" pag babawi ko pa at nag iwas ng tingin.
Tumawa naman ito "Cute" rinig kong bulong niya at nauuna sa dining area.
Naramdaman ko ang pag init ng mag kabilang pisnge ko pero agad din akong umiling. No Natalia...galit ka. Tama galit ka.
Mabilis nag ningning ang mata ko ng makita ko ang pagkain. Nakangiti akong kumakain dahil sa sarap nito. Nakatuon lang ang tingin ko sa pag kain at hindi pinapansin si Kleo.
Biglang tumunog ang phone niya kaya tumayo ito "Excuse me" sabi nito at lumayo ng kaunti.
"Mara?" Rinig kong sabi niya kaya napatigil ako sa pag nguya.
Wala siyang girlfriend pero...baka nililigawan niya.
"Just...drink the medicine" Paalala niya pa. Di ko alam yung tono ng pananalita niya kung nag aalala ba oh ano.
Eh, ano bang pake ko.
Mabilis kong inubos ang pag kain ko at umalis sa dining area. Bahala siya dyan, ipag patuloy niyang kumain ng mag isa.
"Eh? Natalia?" Rinig kong tawag niya.
"What?" Badtrip kong sagot.
"Are you done eating?" Tanong nito.
"Ano ba sa tingin mo?" Mataray kong sabi. Rinig ko ang tawa niya kaya mas lalo akong nainis. "Tapos kana? chupe!" Sigaw ko pa para marinig niya.
"What's the problem?" Natatawang tanong nito. Kairita naman wala namang nakakatawa pero tumatawa siya muka ba akong clown para tawanan.
![](https://img.wattpad.com/cover/276635438-288-k27161.jpg)
BINABASA MO ANG
Still Into You
Teen FictionNatalia Rivera Guinness is an 18-year-old girl who has a lovely family that loves her like a princess. Her lover, Lucas James Santiago, cheated on her. Kleo Kent Irvine saved her bleeding heart one day. When she is around him, she feels reassured. N...