Chapter 45: Talk-

238 18 0
                                    

Nag salita naman ang kingkong kaya muli akong napalingon.

"Let's talk" 

"Obob nag uusap na tayo, Ano bang sasabihin mo? pag katapos niyan umalis kana dito nakakairita" Pag tataray ko dito upang pigilan lahat ng nararamdaman ko.

Mabilis akong umalis sa kama at pumunta sa veranda.

Ilang oras din kaming di nag pansinan.....ewan ko sa kanya.....bala siya sa life niya.

___

Natatandaan ko ay nag luto ako ng maayos? Tama wala naman akong nilagay na gayuma don.  

 Oo tama. Tama ka Natalia okay lang yan.

 Nandito ako ngayon sa veranda ng condo ko at nag papahangin. Habang iniwan ko namang mag isa si Kleo don sa kwarto ko. 

 Anong gagawin ko? Pano ako mag sasalita? Pano ko siya makaka usap ng hindi nahihiya dahil sa pag amin niya.

 Lintek. 

 Gusto ko rin siya....but i was scared to say that.....what if......saktan niya rin ako sa dulo?

 Napailing naman ako sa naisip. 

 Advance ka mag isip self wag kang ano.

 Huminga na lang ako ng malalim at ngumiti habang naka tingin sa paligid.

 Kaya mo yan.....kailangan ko munang mag isip ng mabuti at malinaw. 

 Nanatili lang ako sa veranda ng maramdaman kong merong nakatayo sa likuran ko. 

Mabilis nanlamig ang kamay ko bago siya hinarap. "Ahh......ano......ano pala mag gagabi na ha.... di ka pa ba uuwi sa condo mo?....." 

 "Wala akong kotse iniwan ko" Sagot ni Kleo at tumabi sa akin at tumingin din sa paligid.

 "Ha? Edi nag commute ka kanina?" Tanong ko naman sa kanya. Ang layo-layo kaya ng condo niya sa condo ko kaya malamang nakaka pagod iyon. 

 "Yup" Maikling sagot nito. 

 "Hiramin mo muna yung kotse ko-" Di ko pa natatapos ang sinasabi ko mabilis na itong sumagot. Letcheng yan lagi na lang akong di pinapatapos sa pag sasalita. 

 "No" Nakatuon pa rin ang tingin nito sa paligid.

 Inirapan ko naman siya ng patago bago mag salita. "Edi don't! Bala ka dyan papasok na ako sa kwarto!"

 Aalis na sana ako ng hatakin niya ang braso ko at nag salita. "Stay" Seryosong ani nito. 

 "O-okay" Sabi ko sa kanya at nag iwas ng tingin.

 Ano ka ngayon self tiklop ka! Kainis! 

 Ilang minuto pa ang lumipas at nananatili lang kaming tahimik. 

 "Mag aantay ako" Sabi nito kaya napa lingon ako sa kanya. 

 Pinag sasabi nito?

 "Ha?" Parang tangang tanong ko dito. 

 "I like you......and i willing to wait hangang sa magustuhan mo ko pabalik" Sabi nito sa akin.

 Ng maintindihan ko ay bumalik ang hiyang nararamdaman ko kaya umiwas ako ng tingin.

 Anong magustuhan ko siyang pabalik? Tanga gusto na kita.

 Gusto kong sabihin yon pero ayoko din. 

 Bahala na di pa kasi ako nakaka pag isip ng maayos bigla siyang sumulpot shuta. 

 "Sige na pwede kanang matulog" Sabi nito sa akin kaya tumayo agad ako at pumuntang kwarto. 

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon