Chapter 70: Drunk

210 12 0
                                    

"Nalaman kong nahimatay ka daw dito sa hospital pag kapunta mo at inaapoy ka daw ng lagnat"  Bungad sa akin ni Mom ng makapasok ako sa room niya dito sa ospital.

"Okay lang po ako" Ngumiti ako sa kanya at nag iwas ng tingin.

"Kamusta kayo?" Tanong nito kaya nakagat ko ang pang ibabang labi bago sumagot.

"O-okay lang po"

"Okay ka lang ba? may sinat-sinat ka pa ahm"  Sabi ni Mom at nilagay ang isa niyang kamay sa noo ko.

"Okay lang po ako...kaya ko naman po" Ngumit ako.

"Pinipilit mong maging okay" Ngumiti ito sa akin at hinaplos ang buhok ko. Nakagat ko ang pang ibabang labi ko at mabilis nag init ang gilid ng mata ko. Nag babadyang lumuha. "Anak kita...kilalang kilala kita"

"S-sorry Mom" Di ko na napigilan ng bumuhos ang iyak ko. "We b-broke up..." 

Yumakap ito sa akin at hinaplos ang buhok ko.

"Why?"

"Nag loloko po ata siya" Humihikbing sabi ko. "Nag loko siya" Ulit ko.

"Ata?" Tanong ni Mom kaya tumango ako. "Hindi mo siya hinayaang mag explain?" Tanong ulit nito kaya tumango ako. "Kung ganoon...hayaan mo siyang mag paliwanag nang sa ganoon mag kaintindihan kayo" Paalala niya pa.

Umiling naman ako "Pagod na po kami pareho...pero susubukan k-" Di ko pa  tapos ang pag uusap namin ng biglang bumukas ang pinto at nakangiting pumasok doon si Dad.

"I have a goodnews!" Nakangiting sabi niya.

Napatingin kami sa kanya at inaantay ang sasabihin niya.

"Natalia this is a big opportunity for you" Nakangiting sabi ni Dad sa akin at inabot ang brown envelope. 

Kinuha ko iyon at tinignan ang loob. Meron iyon papel kaya kinuha ko iyon at ibinasa. 

Hi Natalia! 

I'm from the US and I would like to invite you to our Univesity course on architecture! Your teacher sent you're works and plates to our University and our Dean's like that so I'm inviting you to our University just text me in this email if you want to. The meeting will take place at the US University. If you have a question, please don't hesitate to contact me. Thank you very much!  

Nagulat ako nang mabasa ito. Napangiti ako at yumakap sa kanila. Biglang pumasok si Kleo sa isip ko kaya mabilis napalitan ang emosyon ko. Pano siya? sasabihin ko ba? 

"So...what's your decision...and if tatanungin mo ako okay sa akin na tumira ka muna panandalian sa US" Nakangiting sabi ni Dad.

"Me too if you want" Ngumiti rin si Mom sa akin.

"Pag iisipan ko po" Nakangiting sabi ko pa. 

Nag usap kami at sinabi ko na rin kay Dad ang nangyari sa relationship namin ni Kleo. Nagulat pa nga ako ng hindi ito magalit nung ikinowento ko ito sa kanya. Basta't parang malalim ang iniisip niya.

Umuwi muna ako ng bahay para mag isip-isip kung tatangapin ko ba iyon. Dalawang araw na lang kasi kailangan ko nang umalis dito sa Pilipinas kung sakaling tatangapin ko iyon. Nung nakaraan pa pala naipadala ang sulat ngayon ko lang iyon nakita. 

Tinignan ko ang cellphone ko na hindi ko nagamit ng ilang araw. 

Tadtad iyon ng messages ni Ely, Isha, mga ibang kaibigan ko at ni...Kleo.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon