Chapter 35: T- shirt

264 25 0
                                    

Nandito ako ngayon sa bahay ni Kleo. Ang tigas kasi ng bunggo sabi ko dederetsyo na ako sa bahay pero makulit ang kingkong kaya nandito ako sa bahay niya.

"Dapat kasi nandun ako sa bahay ng maka pag palit ako" Nguso ko dito.

"Obob paulan ulan ka pa kasi!" Pag sesermon niya pa sa akin.

Natahimik naman ako ng maalala ang nangyari kanina.....

Umiwas ako ng tingin ng maramdaman kong tumulo ang luha ko.

"Tinapos ko na lahat ng ugnayan sa kanya kahit masakit......" Sabi ko habang naka iwas ng tingin.

Napa ngiwi naman ako ng makita ko ang sarili sa salamin. Mugtong munto ang mga mata ko at namumula din ang balat ko.

Napa atching naman ako naalala kong nabasa pala ako ng ulan.

Nagulat naman ako ng may humarang sa mga mata ko. T-shirt iyon ni Kleo binuklat ko ito para makita ang kalakihan.

"Suotin mo yan basang basa ka ng ulan oh" Naka iwas ang mga tingin niya at itinuro ako.

Napatingin naman ako sa damit ko at mabilis na nag init ang pisnge ko ng makitang bakat na pala ang bra ko! Naka puting t-shirt pala ako kaya makikita iyon pag nabasa!

"S-sabi ko kasing uuwi na ako kanina..... ang tigas ng bunggo mo kingkong!" Nauutal ako dahil sa hiya.

Natawa naman siya ng mahina at bumulong.

Di ko narinig yun kaya mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin kahit di niya nakikita dahil naka talikod ito.

"Mag bihis kana at baka mag kasakit ka pa!" Suway niya naman sa akin.

"A-ano......." Di ko pa natutuloy ang sinasabi ko dahil nahihiya ako lalo't lalaki pa naman siya! "A-ano kasi...... pano yung sa bang ibaba ko saka......yung b-bra" Naka pikit na saad ko dahil nahihiya. Nag init din ang pisnge ko kaya nag iwas ako ng tingin.

"Ano..... Ano bang s-size mo?" Kinakabahang tanong niya din.

Wtf?!

"H-hoy anong..... Bwesit ka kingkong dapat pinauwi mo na lang ako!"  Sigaw ko sa kanya at idinuro pa siya.

"Ang lakas nga kasi ng ulan!" Sabi nito at nanatiling naka talikod. "S-saka sa tingin mo pag nakita yan ni tita matutuwa siya sayo?!" Sabi nito kaya napakalma ako may punto rin naman siya..... pero kasi wala talaga akong damit!

"Ahh ano......pahiram na lang pala ng towel mo may naisip ako" Sabi ko dito.

Ibinigay niya naman iyon sa akin at di pa rin itinutuon ang tingin sa akin.

Ng kuwain niya iyon ay agad akong pumasok sa cr ng kwarto niya.

Malaki ang cr kaya komportable akong nakaligo.

Nakita ko naman na may sachet ng bambabaeng shampoo doon kaya kinuha ko iyon nag sabon din ako. Mukang bago pa nga ang sabon na iyon.

Aba very good kingkong.

Pag katapos kong maligo ipinulupot ko ang towel sa buong katawan ko.

Binuksan ko naman ang pinto at sumilip doon sa kwarto.

"Ahhh....ano... pwedeng pahingi ng powder sa pang laba....lalabhan ko ito at isasalangsang sa dryer para mabilis matuyo" Sabi ko pa at nakasilip lang doon.

"Ipapalaba ko na lang yan....manang" Sabi nito at lumapit sa cr pero iniwas ang tingin.

Di ko pa rin ibinibigay yun sa kanya kaya muli siyang nag salita. "H-huwag kang mag alala di ko yan titignan idederetsyo ko kaagad yan kaya manang" Sabi nito kaya ibinigay ko yun sa kanya na naka tiklop upang di niya makita.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon