Chapter 38: Bonding

244 20 2
                                    

Napangiwi naman ako ng marinig ko ang tunog ng phone ko. May tumatawag.

Inis kong kinuha iyon at tinangap ang call kahit di ko pa tinitignan kung sino iyon.

Call*

"What? Natutulog ako tawag ng tawag" Inis na ani ko.

Narinig ko mahinang pag tawa niya kaya mas lalo akong nainis! Panira ng tulog eh!

[Come on.... gagala tayo libre ko] Sabi ni Kleo kaya napa mulat ako ng mata.

"Legit?" Sabi ko dito at nanatili pa rin ang gulat.

[Yeah. Andaya mo di mo ko sinuyo kahapon] Sabi nito sa akin napatawa naman ako ng mahina.

"Para kang tanga! Wala naman akong ginagawa sinamaan mo ko ng tingin bigla!" Sabi ko naman dito.

[Tch! Papunta na ako sa bahay niyo kumilos kana] Sabi nito kaya mas lalo akong napangiti.

Yehey! Legit nga!

"Thank you! I love--" Di ko na natuloy ang sasabihin ng may maisip ako!

Gosh! Ano ba Natalia!

Madalas ko kasing nasasabi iyon sa mga kaibigan ko....lalo na sa babae at di ko ineexpect na masasabi ko yun kay Kleo!

[Hm? Ano yun? Tuloy mo] Sabi nito at tumawa ng mahina.

"Ano.....I love foods! Oo tama i love foods yun!" Sabi ko at nahihiyang tumingin sa salamin. "Babye na nga!" Pag ka sabi ko non ay agad kong pinatay ang tawag.

End call*

Agad akong pumasok sa cr at naligo.

Nag suot ako ng white sando croptop and brown wide leg trouser, at white rubber shoes. Nag lagay naman ako ng head band na color brown upang bumagay iyon sa porma ko. Pag katapos non nag pulbo at pabango ako at nag lagay na rin ng light make up.

Saktong pag kababa ko ay nandon na si Kleo kausap niya pa nga si Mom eh.

"Ahh.. Mom---" Di ko na natuloy ang sasabihin ko ng mag salita si Mom.

"It's okay honey di mo na need mag paalam pina alam kana ni Kleo sa akin" Mom said while smiling.

Nginitian ko ito pabalik at hinalikan sa pisnge.

Inalalayan naman ako ni Kleo pa pasok ng kotse niya.

Bumyahe kami papuntang mall hindi na ito katulad nung una naming pinuntahan. Kabubukas lang siguro nito nung nakaraan dahil wala pang masyadong tao.

Pumunta muna kami sa mang inasal at kumain doon.

Tuwang tuwa naman ako dahil doon. Yehey! Nakalibre ako!

"Picture tayo" Sabi ko sa kanya at ngumiti.

Lumapit naman ako sa kanya at nagulat ako ng hawakan niya ang bewang ko at hinapit ako papalapit sa kanya.

Omagash. Umacting kang wala lang iyon Natalia. Kalmahan mo lang.

Ngumiti na ako sa camera at ganon din siya.

Pag katapos mag picture ay agad ko iyong minyday.

Agad namang na view iyon ni Ely kaya nag reply siya sa story ko.

Messenger*

Ely: UwU bati na sila

Napairap naman ako ng makita ang Uwu.

San niya ba natutunan yun? Gosh.

Di ko na nareplyan si Ely ng biglang dumating na ang inorder ni Kleo.

Yamyam!

"Thank you Kleo!" Sabi ko dito at ngiting ngiti.

"Stop smilling" Sabi naman nito kaya nag taka akong tumingin sa kanya.

May binulong pa ito ngunit di ko na narinig.

What's that?

Hinayaan ko na lang iyon at nilantakan ang pag kain.

Pag katapos naming kumain ay agad niya akong tinanong kung saan kami sunod na pupunta.

Pumunta naman Tom's world at nag laro dun.

Tawa pa nga ako ng tawa dahil sa tuwing natatalo ko siya ay mas lalong sumisimangot ang muka nito. Mukang aso. Echos.

Napa tagal pa ang pag uusap namin at pag bobonding namin doon sa mall.

Halos buong araw akong tumatawa at ngumingiti nang dahil sa kanya.

I am truly grateful to him. Today, he made me happy. He followed through on his promise to assist me in regaining my happiness and forgetting about the pain.

Nandito kami sa park ngayon habang naka tingin sa langit.

Tinitigan ko naman siya ng patago habang naka tingin ito sa langit at para bang may seryosong iniisip.

"Thank you for today Kleo. I've thanked you many times before, Im so happy" Naka ngiti kong sambit sa kanya.

Napalingon naman siya sa akin at ngumiti rin.

"No.... Tinupad ko ang pangako ko sayo at mag papatuloy pa to" Sabi ni Kleo at inilagay ang kamay niya sa ulo ko at hinawakan iyon. "Kailangan na kitang ihatid. I said to tita around 7pm ay iuuwi na kita" Sabi naman nito kaya tumango ako.

Sumakay na kami sa kotse sakto namang bumuhos ang malakas na ulan.

As in di na namin makita ang dadaanan namin dahil sa sobrang lakas ng ulan.

"Shit!" Sabi naman ni Kleo. Kinakabahan siya at ramdam ko yun.

"Itetext ko na lang si Mom na medjo malalate tayo ng uwi dahil sa lakas ng ulan" Sabi ko naman sa kanya at medjo natatawa sa itsura niya.

"Thanks" Sabi naman nito sa akin at kumakalma.

Pinahinto muna ni Kleo ang kotse at pahihinain muna ang ulan.

Pag katext ko naman kay Mom ay hindi pa yun nag rereply sinubukan kong tawagan ngunit mahina pala ang signal.

"Tita text me" Sabi naman ni Kleo kaya napa tingin ako.

"Anong sabi?" Tanong ko dito kaya ibinigay niya sa akin ang phone niya at ipinabasa iyon.

Mabilis nanlaki ang mata ko ng makita ko iyon?

Si Mom ba talaga ang nag message niyan?!

Kleo malakas ang ulan ngayon kaya kung hindi kaya pwede bang sainyo muna matulog si Natalia?

I mean sanay naman akong maki pag overnight sa iba pero sila Ely at Isha yun kaya comfortable ako!

Napa tingin naman siya sa akin ng pag tataka dahil sa gulat na ekpresyon ko.

Ibinigay ko iyon sa kanya at ipinabasa ng mabasa niya iyon ay agad itong nag iwas ng tingin.

"I g-guess tita is right, dun ka na lang matulog sa kwarto ko then matutulog naman ako sa guess room" Sabi nito habang naka iwas ng tingin.

"No... I mean ako na lang matutulog doon sa guess room and dun ka sa kwarto mo" sabi ko naman sa kanya at nahihiya.

Di na lang siya umimik at ipinag patuloy ang pag dadrive natatakot nga ako dahil halos di na namin nakita ang daan. Di ko alam sa kingkong kung paano niya nalalaman ang dereksyon na iyon.

May powers ba siya? pft

Ilang oras pa ng huminto ang kotse niya.

"Asan na tayo?" Tanong ko sa kanya at humikab. Nakaramdam na ako ng antok.

"Andito na tayo sa bahay" Sabi nito at ngumiti.

Tumango na lang ako dahil sa antok na nararamdaman.

:)

Please don't forget to vote and comment! Thankyouu!

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon