[Nasan na??] Naka ngising sabi sa akin ni Ely. Naka video call kasi kami ngayon. Tumawag lang ata to para asarin ako.
Napairap ako. "Wala akong taste dito" Pag dadahilan ko pa. Pano sinasabi niya na naman na wala akong nalalandi.
[Walang taste o baka nama-] Alam ko na ang idudugtong niya kaya mabilis ko na iyong pinutol.
"Kaya ko ngang lumandi!" Naasar na sabi ko.
[Prove...with pic dapat] Ngisi niya pa.
"Basic" Ngumisi rin ako. Napaka dali makipag picture lang ako kani-kanino tapos isend iyon sa kanya.
[Alam ko na ang nasa isip mo Talia batuta...with video na lang pala] Pag babago niya.
"Wala picture lang!" Depensa ko.
[Sige na nga, iyak kana e] Asar niya pa.
"Sakto anong oras na, makaka kuha ako kaagad agad hah!" Pag yayabang ko.
[Due date bukas...pag naka pag send ka ibig sabihin pupunta kami at kung hindi ka naka pag send hindi kami pupunta at iisipin namin na sinadya mo yon dahil nag kakamabutihan na kayo!] Kahit wala siyang binabanggit na pangalan alam ko na ang tinutukoy niya. [Diba Isha?] Iniharap niya ang phone kay Isha at inaantay ang reaction non.
Mahina akong umiling.
Naka ngiti itong nag titipa sa selpon niya at tumingin sa akin. [ha? ano ba yon? sige oo na lang] Kumbinse nito kaya halos maluha ako.
Pag kapatay na pag kapatay ng call mabilis na akong nag ayos.
Gold silk dress iyon mababa banda sa dibdib kaya kita ang cleavage. Nag simple make up lang ako at itinali ang buhok ko. Nag pabango ako at umalis ng room.
Makikipag picture lang ako sa lalapit sa akin yon lang.
Pag kapunta ko sa bar ay agad akong umupo sa couch at nag order ng inumin.
Di pa man nakakarating ang order kong inumin may umupo na sa tabi ko kaya napalingon ako dito at ngumiti.
"Are you alone?" Bobong tanong ng gwapong lalaking nasa harap ko.
Mas gwapo pa rin si Kleo.
"What do you think?" Sagot ko dito.
Napangiti ito sa sagot ko at inilahad ang kamay.
"Kian" Pag papakilala niya at inaantay ang pag lahad ko rin ng kamay.
"Natalia" Ngumiti ako ngunit tinignan ko lang ang kamay niyang nakalahad at hindi pinansin yon.
Ngumisi siya at bumulong na rinig ko naman "hmm I like that" Tumango tango pa ito.
Saktong dumating ang order kong inumin kaya inunahan ko ito at binigyan din siya. Tinanggap niya naman iyon.
"Can we take a picture?" Tanong ko pa rito. Ito lang naman ang kailangan ko at aalis na rin ako.
Tinignan niya muna ako saglit bago sumagot. "Sure...as long na maubos natin itong inorder mong inumin" Ngisi niya na para bang nabasa ang nasa isip ko.
Eh?
Napatingin ako sa inorder ko at andami non! Bahala na dadayain ko na lang ito.
"S-sure" Kabado kong sabi at inilabas ang phone ko.
Kinagat niya ang pang ibabang labi niya at pinipigilan ang pag tawa.
Kinuha niya ang phone ko at itinaas iyon para kita kaming dalawa. Nagulat ako ng hapitin niya ang bewang ko at mas inilapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
Still Into You
Fiksi RemajaNatalia Rivera Guinness is an 18-year-old girl who has a lovely family that loves her like a princess. Her lover, Lucas James Santiago, cheated on her. Kleo Kent Irvine saved her bleeding heart one day. When she is around him, she feels reassured. N...